Biyernes, Nobyembre 29, 2013

Mahina ba ang iyong puso? (o Heart Failure) 2



 Solusyon sa Mahina ang Puso (o Heart Failure)

May sakit na kung tawagin ay “heart failure” kung saan ay humihina ang masel ng puso. Dahil dito, nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo sa buong katawan.

Bakit nanghihina ang puso? Ang karaniwang sanhi ng heart failure ay ang pagbabara ng ugat sa puso dulot ng altapresyon, diabetes, paninigarilyo at pagkain ng matataba. May mga batang pasyente na may rheumatic heart disease ang nagkakaroon din ng heart failure.

Paano malalaman kung may heart failure?

Ang pinakamagandang test para malaman ang kondisyon ng puso ay ang 2D-Echo, kung saan lalabas sa telebisyon ang hugis ng puso. Nagkakahalaga ito ng P1,500 hanggang P4,000 depende kung saan gagawin. Base sa 2D-Echo, malalaman kung may heart failure ang pasyente.
Ang sintomas ng heart failure ay ang pamamanas ng paa, paghingal lalo na kapag nakahiga. Parang nalulunod ang pakiramdam at kailangan nilang gumamit ng maraming unan.

Ano ang gamutan?

Kailangan magpa-check up agad sa isang cardiologist. May mga gamot na
ibinibigay tulad ng:
1. Furosemide 40 mg tablet – Ito ay gamot na pampaihi. Dahil mahina ang puso, nag-iipon tuloy ang tubig sa buong katawan.
2. Ace-inhibitors tulad ng Enalapril 10 mg o Captopril 25 mg tablet – Mabisa ang gamot na ito para mapaliit ng bahagya ang lumalaking puso.

Paano matatanggal ang sobrang manas ng heart failure?

1. Limitahan ang pag-inom ng tubig at likido sa 4 hanggang 5 baso lang sa isang araw. Kabilang na dito ang sopas, juice, at matutubig na prutas. Kapag uminom ka ng isang tasang sabaw, 4 na baso na lang ng tubig ang puwede mong inumin.
2. Sukatin ang iniinom at iniihi bawat araw. Ilista ito sa papel. Gumamit ng plastic na litro ng soft drinks para masukat ang lahat ng iniihi sa isang araw. Sa mga pasyenteng may heart failure at pamamanas, kailangan ay mas madami ang iniihi kaysa sa iniinom. Kung 1 litro ang nainom, kailangan ay 1 o 2 litro ang iihiin sa isang araw. Sa ganitong paraan, mababawasan ang manas at paghingal ng pasyente.
3. Timplahin ang pag-inom ng Furosemide para maabot ang layunin na 1 o 2 litro ng ihi sa isang araw.
4. Kumain ng 2 saging bawat araw. Ito’y para mapalitan ang potassium na nawawala sa katawan sa pag-ihi.
 
Alam kong mukhang mahirap ang paggamot ng heart failure, pero napakaraming pasyente na ang napagaling sa ganitong paraan. Huwag mangamba. May pag-asa pa kahit mahina ang inyong puso.

Kumonsulta sa inyong doktor.




Martes, Nobyembre 26, 2013

HIGH BLOOD KA BA?




 Sakit sa Puso at
Diabetes
“Ikaw, ano ang bp mo?”
Marami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng “presyon ng dugo” o “blood pressure”? Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Mahalaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang bahagi ng ating ka­tawan.
Ito ay sinusukat sa dalawang numero: ang systolic at ang diastolic na pre­syon. Halimbawa, kapag sinabi ng duktor na 120 over 80. Ang unang numero (120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang numero (80) ang tinatawag na diastolic na presyon.
Konting paliwanag lang: Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na sys­tolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg.
Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay hanggang 90 mm Hg.
Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod:
1. May ginagawa o napagod.
2. Pag-iba o pagpalit ng posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo.
3. Pagkain, sakit na nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa.
Kailan sasabihing may altapresyon ang isang tao?
Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa normal, at ito ay nananatiling mataas, ito ay tinatawag na altapresyon. Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan ng altapresyon! Ang puso natin ay maihahalintulad sa makina ng kotse. Kapag kinargahan mo ng 2 tonelada ang kotse, masisira ang makina at gulong nito. Ganoon din ang katawan natin, kapag kinargahan mo ng taba at 30 pounds, para ka na ring nagbitbit ng 30 pounds. Masisira agad ang iyong puso at tuhod.
6. Hindi aktibong pamumuhay. Maging magalaw at maliksi. Gumamit ng hagdanan. Kung kulang ka sa ehersisyo, mas mataas ang posibilidad na ika’y tumaba.
7. Sobrang alak. Ang malakas na pag-inom ng alak ay may masamang epe­kto rin sa ating puso, atay, sikmura at utak.
8. Paninigarilyo. Ito ay nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng hindi magandang pagdaloy ng ating dugo.
9. Stress o tensyon. Ang stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng so­brang pagkapagod ng katawang pisikal, lalung-lalo na ng isip at emosyon. Don’t worry, be happy.
Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay mababawasan o mababago, maaaring makaiwas sa maraming sakit. Good luck po!
Gamot sa Cholesterol, Hindi Dapat Agad Inumin
Napakaraming pasyenteng mahihirap ang nareresetahan ng mamahaling ga­mot sa cholesterol. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P20 – P80 bawat tableta. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin, at Ro­suvastatin.
Kung ang suweldo mo ay P250 lang sa isang araw, paano mo pa mabibili ang gamot na iyan. Hindi ko po sinasabi na hindi mabisa ang mga Statins. Sa katunayan ay napakabisa nito sa paglinis ng ating ugat. Ngunit kadalasan ay nareresetahan agad ang pasyente ng Statins kahit hindi pa ito kailangan.
Kailan puwedeng hindi muna uminom ng Statins?
Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America, binibigay ang Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umaabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.
Ang problema kasi, may ibang doktor na kahit 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statins. Okay lang sana kung mayaman ang pasyente.


Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol?  Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at mantika muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipasuri muli ang cholesterol. Kapag lampas pa sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.

Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga babae na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaeng hindi pa menopause.


Kailan dapat uminom ng Statins?


Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso, istrok, at napakataas ang iyong cholesterol (lampas 240 mg/dl), kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may diabetes ka, may tulong din ang Statins. Pero unahin mo muna bilhin ang gamot sa diabetes dahil mas mahalaga ito.


Ang mura at epektibong statin ay ang Simvastatin. May mga generic na P10 hanggang P20 bawat tableta.
Paano kapag kulang sa pera?


Kapag kapos pa rin sa pera, may tinatawag na “poor man’s statin.” Ito ay ang Aspirin 80 mg tablet na P1.50 lang ang halaga. Makatutulong iyan sa sakit sa puso at mataas na cholesterol.
Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para malinawagan ng ating mambabasa kung kailangan ba talaga uminom ng Statins.


Ang lahat ng mga nakasulat sa itaas ay isinulat ni . . . ?. . . . at nais ko lang i-share sa lahat ng mambabasa at baka sakaling makatulong.  As of now ay indi ko alam kung sino ang writer nito.  galing lang ito sa frend ko na nag-USANA at nakita kong very informative siya kaya ko isinulat dito.  once na nalaman ko kung sino sya at i-post ko name niya at sa kanya ang credit nito talaga.

Linggo, Nobyembre 24, 2013

Overweight ka ba?



“Overweight ka ba?"

Alam niyo ba ang inyong tamang timbang?  May taong mukhang payat, pero ang taba ay nasa bilbil. May taong mabilog ang mukha, pero payat naman. Kung gusto ninyo na malaman kung mataba kayo o hindi, heto ang lista ng tamang timbang batay sa edad, taas at kasarian.






Halimbawa, kung kayo ay lalaki na may taas na 5 feet at 5 inches, ang tamang timbang mo ay 136 pounds lamang. Kapag lumampas ka ng 10 pounds sa timbang na iyan ay tatawagin ka ng “overweight” ng iyong doktor. Ang ibig sabihin ay puwede kang magkasakit ng diabetes, arthritis at sa puso. Kung sobra ka sa timbang, may ilang tips dito para magpapayat:

1. Iwasan ang mga sitsirya (junk foods), soft drinks at juices.
2. Kumain nang dahan-dahan para maramdaman agad ang pagkabusog at paunti-unti ring bawasan ang dami ng kinakain.
3. Kapag sobra sa timbang, ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 kilo lamang bawat buwan at hindi hihigit pa rito. Ang mga pildoras na pampapayat (diet pills) ay pansamantala lamang ang epekto.
4. I-rekord at bantayan ang iyong timbang habang patuloy na minamanmanan ang iyong kinakain.
5. Pumili ng ehersisyong kinasisiyahang gawin at isagawa ito ng mga 30 minuto, tatlo hanggang limang beses kada linggo.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Magbawas sa Pag-inom ng Iced Tea at Soft Drinks.
Kung kayo po ay sobra sa timbang, may diabetes, may altapresyon o gusto lang maging malusog, sundin ninyo ang payo ko: Magbawas tayo sa Iced Tea, soft drinks at kung anu-ano pang matatamis na inumin. Malaki ang maibababa sa timbang ninyo.

Alam ba ninyo na ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kapag uminom kayo ng soft drinks, para ka na rin kumain ng 7 kutsaritang asukal! Ganoon din ang iced tea. Puro asukal din iyan kaya grabe ang tamis!

Ayon sa siyentipikong pagsusuri, ang pag-inom ng soft drinks ay puwedeng maging sanhi ng diabetes. Mabilis din itong makataba at magpalaki ng tiyan. Kahit “No-sugar” o “Lite” pa ang inyong inumin ay may peligro pa rin. Dahil ang diet soft drinks ay may halong phosphorous na nagtatanggal ng calcium sa ating katawan. Puwede kang magka-osteoporosis. Ang payo ko ay mag-tubig na lang!
Nakatataba ang Pineapple Juice at iba pa  Kung kayo’y may katabaan, ang payo ko ay umiwas din sa mga fruit juices. Orange juice, pineapple juice at kung anu-ano pang juices. Mataas ito sa calories at asukal kahit sabihin mong “unsweetened” pa. Kapag uminom kayo ng maraming juices, baka kayo tumaba.
Hindi ko alam saan nanggaling ang paniniwala na maganda sa altapresyon ang pag-inom ng pineapple juice. Hindi po ito tunay. Gamot, diyeta at exercise lang ang magpapababa ng blood pressure.
Anong prutas ang puwede sa mga nagpapapayat? Mansanas, peras at konting saging lang ang puwede. Bawal na bawal ang mangga at ubas dahil sobra itong matamis. Kung gusto ng mangga, isang pisngi lang ang puwedeng kainin. Sa ubas ay 10 piraso lang ang pinakamadami.
Umiwas sa Coffee at Energy drinks

Walang gaanong benepisyo ang makukuha sa mga coffee drinks. Lalo na kung may halo pang whipped cream, chocolate, at full cream milk ang kape mo. Alam niyo ba na ang katumbas ng isang cappuccino with whipped cream ay 3 platong kanin na?

Masama din sa kalusugan ang mga energy drinks dahil mataas ito sa caffeine. Nakaka-addict ang caffeine at nakabibilis pa ng tibok ng puso. Kung ika’y may altapresyon, bawal ang energy drinks dahil puwedeng tumaas ang blood pressure mo. Kaya kaibigan, tubig lang ang dapat inumin. Papayat ka pa at makaiiwas ka pa sa maraming sakit!

One Egg A Day Lang Po!

Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin?

May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Ang itlog ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa katawan at masustansya. Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang pula ng itlog. Mataas ito sa kolesterol dahil ang rekomendasyon ng American Heart Association ay huwag kumain ng lampas sa 300 milligrams ng kolesterol sa isang araw.

Sari-sari ang opinyon tungkol sa itlog. Ngunit ang sasabihin ko ngayon ay ang deklarasyon ng mga doktor ng American Heart Association at Philippine Heart Association. Heto ang payo namin:

1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetes o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang nilagang itlog kaysa sa pritong itlog.

2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetis o mataas ang kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo. Kung gusto mo kumain ng itlog, mas maigi ang puti ng itlog na lang ang kainin at huwag na lang ang pula o egg yolk. Nasa egg yolk kasi ang kolesterol.

3. Eat eggs in moderation. Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Para sa akin, hindi ko mapapayo ang pagkain ng lampas sa 1 itlog sa isang araw. Kailangan ay balanse ang ating diyeta. Kumain ng gulay, prutas at isda.
Masustansya ang gulay tulad ng kangkong, malunggay, carrots at kalabasa. Sa prutas, sagana sa bitamina ang saging, suha at mansanas. Sa isda naman, mabuti sa katawan ang sardinas, tilapia at bangus belly. Good luck po!

Ano ba ang tamang pagkain?



Ang Pinaka Masustansyang Pagkaing Pinoy

Alam mo ba ang mga pinakamasustansyang pagkain para sa ating kalusugan? Ano ba ang pinaka-healthy na pagkaing ginawa ng Diyos para sa tao? Hindi ko na kayo papasabikin, heto ang aking listahan:

1. Ma-berdeng mga gulay – Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, broccoli, spinach at iba pang mga talbos ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa bitamina, minerals at iba pang healthy na kemikal. Kapag mahilig ka sa gulay, sa tingin ko ay puwede ka nang hindi mag-vitamins. Ang gulay ay mabuti rin sa maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan, colon cancer at iba pang kanser.

2. Matatabang isda – Ang mga oily na isda tulad ng sardinas, tilapia, tuna at mackerel ay may Omega-3. Ang Omega-3 ay nag-aalaga ng puso, tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso at istrok, at nagpapababa ng kolesterol sa katawan. Ang problema lang ay mahal ang mga isda na ito. Ayon sa pagsusuri, ang Omega-3 supplements ay punong-puno ng healthy na Omega-3.

3. Kamatis – Ang kamatis ay mataas sa lycopene na tinatawag na anti-oxidants. Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. Ang ketchup at tomato sauce na galing sa kamatis ay mainam din. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa mga kanser.

4. Citrus fruits tulad ng calamansi, suha at dalandan – Masustansya ang mga prutas na ito dahil may Vitamin C. Ang Vitamin C ay panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.

5. Carrots – May pagsusuri ang nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser.
Ito ay may Vitamin A na mabuti sa ating mga mata. Isa pa, nakakapayat ang carrots dahil 35 calories lang ang kalahating tasa nito. Kaya turuan natin ang ating mga anak na kumain ng carrots.

6. Saging – Ang saging ang pinakamasustansyang prutas para sa akin. Puwede ito gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil natatapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay lunas din sa mga nanghihina at may cramps dahil mayaman ito sa potassium. Kung lagi kayong pawisin at gusto niyong lumakas, mag-saging ka. Nakita niyo na ba si Roger Federer, ang tanyag na tennis player? Kumakain siya ng saging sa gitna ng kanyang laban. Kailangan ni Federer ng lakas at sigla, at saging ang sagot.

7. Gatas, keso at yoghurt – Ang mga produkto ng gatas tulad ng mga nabanggit ay matatawag nating “complete foods.” Ito’y dahil ang gatas ay may protina, may carbohydrates at may taba din. May calcium pa para sa kababaihan. Nakita niyo ba ang laki at lakas ng mga Americano? Ginagawa kasi nilang tubig ang pag-inom ng gatas. Sa mga gustong magpapayat, low-fat milk ang inumin.

8. Bawang – Ang bawang ay makatutulong sa pagpapababa ng kolesterol. Mag-ingat lang sa pagkain nito dahil puwedeng humapdi ang iyong tiyan.

9. Mansanas – “An apple a day, keeps the doctor away.” Tunay po iyang kasabihan. May taglay na pectin ang apple na nag-aalis ng dumi sa katawan. Nakakabusog pa ito at puwede sa mga nag-di-diyeta.

10. Tubig – Kasali ang tubig sa ating listahan dahil marami sa ating Pinoy ang kulang sa pag-inom ng tubig. Lalu na ngayong tag-init, kailangang uminom ng 8-12 basong tubig. Makatutulong ito sa pag-iwas sa impeksiyon sa ihi, panlinis ng katawan, pagbawas ng acid sa tiyan at pampaganda rin ng ating kutis. Siguraduhin lang na malinis ang tubig na iniinom para hindi magka-typhoid o cholera. Bumili ng purified water o pakuluan ng 5 minuto ang tubig.

Mayroon pang 10 pagkain sa aking listahan: (11) Ampalaya para sa diabetes; (12) monggo na mataas sa protina at mura pa; (13) luya tulad ng salabat para sa boses at pagsusuka; (14) oat meal para bumaba ang kolesterol; (15) kamote dahil sa taglay na Vitamin A; (16) wheat bread dahil mataas ito sa fiber; (17) taho at tofu; (18) tsa-a tulad ng green tea; (19) buko at buko juice para sa kidneys; at (20) mani para tumalino. Sana po ay matago niyo ang listahang ito at maipamahagi sa iyong mga kaibigan.

Mga “Not-so-healthy” Foods Na Hilig Ng Pinoy

Alam mo naman tayong mga Pinoy, hilig natin ang mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.

10. Soft drinks – Naku, guilty ka diyan, ‘di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga may diabetes. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, mag-tubig ka na lang!

9. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong matataba, may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.

8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

7. Alak – May mga pasyente ang nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, “Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote.” Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din ito ng maraming kanser.

6. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya at chips. Ito’y dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan kaya turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.

5. Medyo hilaw na karne – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na laman, tulad ng kilawin na isda o karneng may dugo pa. Siguraduhin lutong-luto ang inyong kinakain. Hindi sapat ang pagsawsaw sa suka o calamansi para mapatay ang mga bulate at mikrobyo.

4. Street food – Ayon sa pagsusuri, 70% ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag ang mga street vendors ay hindi naghuhugas ng kamay, puwedeng mailipat ang bulate sa ating pagkain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at iba pa. Huwag makipagsapalaran.

3. Laman loob – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsasabi na puwedeng magdulot din iyan ng kanser.

2. Chicharon at chicharon bulaklak – Sabi ng kaibigan ko, “Balat lang naman ang gusto ko at hindi naman taba.” “Eh saan ba nagtatago ang taba,” ang sagot ko. “Sinawsaw ko naman sa suka,” hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.

1. Lechon – Ang paborito ng lahat kainin ay ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, patikim-tikim na lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasaktan