Magpapayat Tips (Part 1)
Ayon sa isang local survey, 40% ng mga kababaihan ay overweight o sobra sa timbang. Samantala, 15% lang ng kalalakihan ang matataba. Bakit kaya? Ito’y dahil ang mga nanay ay kinakain ang tira ng mga anak. At laging nasa bahay ang mga babae kaya hindi gaanong nag-e-ehersisyo.
Paano malalaman kung mataba ka o hindi? Isang simpleng paraan ay ang pagsukat ng tiyan. Ayon sa isang pagsusuri sa Asia, ang dapat na sukat ng tiyan (sa pusod ang sukat at hindi sa baywang) ay 36 inches o mas mababa pa sa lalaki, at 31 inches sa babae. Kapag lumampas ka dito, ay medyo masama na ito. Kailangan nang magpapayat dahil baka magdulot ito ng diabetes, arthritis at sakit sa puso.
Sundin ang mga tips para pumayat:
• Magbawas ng 100-200 calories bawat araw. Magagawa mo ito kapag iiwas ka sa soft drinks o iced tea. Magtubig ka na lang. Zero calories ang tubig. Puwede mo din bawasan ang iyong panghimagas. Gawin mo ito at siguradong papayat ka.
• Maging magalaw o malikot. Habang ika’y naglalakad, igalaw mo ang iyong mga braso. Habang may ka-text, i-martsa mo ang iyong mga paa. Sa ganitong paraan, makababawas ka ng 200 calories bawat araw.
• Gumamit ng maliit na plato, iyung 9 inches lang ang sukat. Kapag maliit ang plato, mako-kondisyon ang iyong isipan na konti lang ang kakainin. Isa pa, wala nang pa-dukot-dukot pa. Kung ano ang nasa plato mo, iyun lang ang kakainin.
• Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. Dahil nakabubusog din ang tubig at mas konti lang ang makakain mo.
• Piliin ang masasabaw na pagkain. Mas mabubusog ka sa mga matubig na pagkain. Umorder ng arroz caldo, huwag chicken and rice. Kumain ng pakwan, huwag ang mangga. Ang sopas at ensalada ay magaan din sa tiyan.
• Magbawas ng kanin. Kung dati ay 2 tasa ka magkanin, gawin na lang 1 tasa. Kung 1 cup rice dati, gawin mo na lang half-cup rice. Nakatataba kasi ang kanin. Mas maigi pa ang spaghetti o noodles. Sa susunod, magbibigay pa ako ng maraming tips para tuluyan na kayong pumayat.
Magpapayat Tips (Part 2)
Sundin natin ang mga dagdag payong ito para pumayat:
• Kumain ng madalas pero pakonti-konti. Huwag kakalimutan ang agahan. Ang sikreto dito ay konti lang ang iyong kakainin. Sa meryenda, puwedeng 1 saging o mansanas lang. Sa tanghalian at hapunan, puwedeng 1 cup rice, gulay at isang ulam lang. Huwag hintayin ang gutom bago kumain.
• Masama ang “Crash Diet” o iyung gustong biglang ginugutom ang sarili. Kaya mo itong gawin ng 3 araw, pero pagkatapos ay babawi na ang iyong katawan. Babalik din ang dati mong timbang. Ayon sa pagsusuri, ang crash diet ay nagpapaigsi ng buhay ng 5 years. Magbawas lang ng 1-2 pounds bawat linggo.
• Kumain ng mga gulay at prutas na maraming fiber tulad ng pechay, kangkong, okra, sitaw, ampalaya, carrots, mansanas, peras at saging. Mabilis makabusog ang mga pagkaing mataas sa fiber. Hindi pa ito nakatataba.
• Dalawa lang ang bawal: Matatamis at matataba. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng icing ng cake, halo-halo at mga juice na nasa lata. Magbawas din sa mga baboy at baka na maraming taba. Ito lang talaga ang bawal.
• Umiwas sa junk foods. Huwag mag-stock ng sitsirya sa bahay. Turuanang mga bata na kumain ng saging o mansanas kapag nagugutom. Mataas sa asin at walang sustansya ang chichirya.
• Sa fast-foods, subukan ang Kenny Roger’s Roast Chicken, Bodhi Vegetarian Food, at Subway Sandwiches. Ang roasted chicken ng Kenny Roger’s ay natanggalan na ng mantika. Paborito ko iyan. Healthy din ang vegemeat at gulay sa Bodhi. Nakakabusog at mababa sa calories.
• Uminom ng Multivitamin kapag nagdi-diyeta. Kalahating tableta lang ng multivitamin ay puwede na. Kapag walang pera, kumain ka ng 2 saging bawat araw. Maraming vitamins na iyan.
• Bumili ng timbangan. Mura lang ang timbangan, mga P300 lang. Alamin ang timbang bawat 2 araw. Kapag tumataas ang iyong timbang, piliting mag-diyeta na. Kapag bumababa na ang timbang, ituloy lang ang ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. Kailangan mo ng lakas ng loob para pumayat.
Ang payo ko ay Usana - Essentials ang gamiting multi vitamins at nasa mahigit lang 20 pesos ang isang inuman nito. 2 tablet na ito.
Good luck.