Linggo, Disyembre 1, 2013
May diabetes ka ba?
Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay
Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umiihi, o namamayat, magpa-check up para sa diabetes. Lalo na kung may lahi ka ng diabetes, dapat ay suriin ang iyong asukal sa dugo. Kapag ang blood sugar ay higit sa 125 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Sorry po.
Ang ibig sabihin nito ay 20-50% ng iyong mga selula sa pancreas (o pale sa Tagalog) ay nasira na ng diabetes. Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako ng doktor, pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pancreas.
Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, mag-diyeta at mag-ehersisyo. Bawasan ang pagkain ng matataba at matatamis. Umiwas sa soft drinks, iced tea at mga juices. Mag-tubig ka na lang.
Mag-ehersisyo ng mas regular.
Pangalawa, kung mas mataas pa sa 140 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan.
May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetes. Ito ay ang (1) Met7
Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay
formin 500 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon; (2) Gliclazide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga 5 piso lang ang bawat isang tablet na mabibili sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy.
Sa pamamamagitan nitong 2 gamot, dapat ay mapababa na natin sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar.
Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang mga paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Hindi na kayang makipag-sex. Masisira ang ugat ng puso. At sa huli, mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot ito sa dialysis at pagkamatay.
Hindi biro ang sakit na diabetes. Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Sigurado pong hahaba ang buhay ninyo sa mga gamot na ito. Kumonsulta sa inyong doktor.
Diyeta sa diabetes
Alam n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain at wastong kaalaman. Heto ang mga tips na dapat tandaan.
1. Walang “mild” sa diabetes.
Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50% ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.
2. Umiwas sa matatamis at matataba.
Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at mamantika na pagkain.
3. Tumanggi sa Ice Tea, Soft Drinks at Capuccino. Mag-tubig na lang.
Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong Ice Tea bawat araw ay nakapagdaragdag sa inyong timbang ng 1 libra bawat linggo? Ang 1 basong soft drinks naman ay may 7 kutsaritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang talaga ang tunay na walang calories.
4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas.
Akala ng marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Matamis at nakatataba din ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abokado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas ay sampung piraso lang ang puwede.
5. Puwede ang isang kanin, isang gulay at konting karne.
May mga taong hindi na kumakain ng kanin para pumayat. Hindi po ito maganda. Sa katagalan ay manghihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailangan din ng katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may 1 tasang kanin ay sapat na, hindi ba? Mag-diyeta para ma-kontrol ang inyong diabetes.
May 4 na milyong Pilipino ang may diabetes. At napakarami pa ang magkakaroon nito sa darating na panahon. Bakit ko nasabi ito?Ito’y dahil sa klase ng ating kinakain. Soft drinks, junk food, sitsirya, taba ng baboy at French fries. May pagsusuri na nagpapatunay na ang soft drinks ay puwedeng magdulot ng diabetes. Ang mga hindi nag-e-ehersisyo at may katabaan ay maari ding magka-diabetes
Paano ginagamot ang diabetes?
Sa umpisa ay kinukuha sa diyeta at exercise ang diabetes. Ngunit madalas ay hindi pa rin napapa-normal ang asukal sa dugo. Dahil dito, marami ang nangangailangan ng gamutan. Ang pinakamainam na gamot sa diabetes ay ang mga nirereseta ng ating mga doktor
Murang Gamot sa Diabetes
1. Metformin 500 mg tablet – Ang Metformin ay binibigay sa pasyenteng may katabaan. Nakababawas ito ng gana sa pagkain. Ang Metformin ay binibigay mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon depende sa taas ng iyong blood sugar.
2. Gliclazide 80 mg tablet – Ang Gliclazide ay mas malakas magpababa ng asukal kaysa sa Metformin. Iniinom ito ng 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Minsan ay pinagsasabay ang Gliclazide sa Metformin. Ang isang murang brand name ay ang Glubitor na 6 na piso lamang.
Depende sa antas ng inyong blood sugar, tinitimpla ng mga doktor ang dosis ng gamot na ibibigay sa iyo. Ang pinakamataas na dosis na aking binibigay ay ganito: Example: Metformin 500 mg tablet, 3 beses sa isang araw. At Gliclazide 80 mg tablet, 3 beses din sa isang araw.
Pinakamurang gamot sa diabetes
Kung gipit kayo sa budget, may murang mga generic na gamot na mabibili sa mga tindahan tulad ng Botika ng Bayan at Generics Pharmacy. Nagkakahalaga lang ng 2 o 5 piso ang bawat tableta ng Metformin o Gliclazide.
Paano naman ang food supplements?
Sa aking pananaw, mas epektibo ang mga regular na gamot, tulad ng Metformin at Gliclazide, kaysa sa mga food supplements. Mas mura pa ang mga ito.
At kapag hindi pa rin bumaba sa normal ang blood sugar, kailangan na magumpisa ng Insulin injections. Huwag pong matakot sa Insulin. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng Insulin para hindi mahirapan ang ating pale (pancreas). Magpatingin sa inyong doktor.
Huwag Pasaway, Inumin Ang Gamot ninyo
Mayroong mga pasyenteng pasaway. Matigas ang ulo at ayaw makinig sa doktor. Kapag umiigi na ang pakiramdam ay itinitigil na ang gamot, kaya lumalala tuloy ang sakit nila. Ito ang 4 na bagay na dapat nilang tandaan.
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain
1. Ano ang dapat tandaan ng isang pasyente tungkol sa gamot niya?
Naiinis ang doktor sa pasyenteng hindi alam ang kanilang gamot. “Dok, iyong hugis tatsulok, iyong bilog at iyong kulay pink na gamot.” Ano ba iyan? Ano ba ang tingin mo sa mga doktor, manghuhula. Kaya payo ko sa mga kamag-anak o nag-aalaga sa pasyente, tandaan ang 2 bagay: (1) Ano ang pangalan ng gamot na iniinom? (2) Paano at kailan ito iniinom? Ilista sa papel para hindi makalimutan. Importante iyan!
2. Paano masisiguro na regular ang pag-inom ng gamot ng pasyente?
Sa mga madalas makalimot, mayroong nabibiling espesyal na lalagyan ng gamot na may markang Lunes hanggang Linggo sa labas. Puwede ring bantayan kung iniinom ng inyong asawa o magulang ang kanilang mga gamot. May mga magulang na hindi iniinom ang kanilang gamot dahil napakamahal daw nito at ayaw nilang pagastusin ang kanilang mga anak. Dahil dito, mahalaga ang pag-unawa ng pamilya. Ibalik si itay o inay sa doktor kada-tatlo o kada-anim na buwan.
3. Puwede bang ihinto ang gamot kung maayos na ang pakiramdam?
Hindi puwede! Tandaan, maraming gamot ang tinatawag na “maintenance medicine.” Ibig sabihin ay i-maintain o ituloy mo ang pag-inom. Dapat inumin ng tuloy-tuloy ang mga gamot sa altapresyon, diabetes at sakit sa puso. Kaya nasa tamang antas ang inyong blood pressure ay dahil may epekto pa ang gamot. Kapag inihinto mo ang pag-inom nito, muling tataas ang presyon ng dugo. Kadalasan, panghabang-buhay po ang pag-inom ng mga gamot na ito. Kumonsulta muna sa inyong doktor bago ihinto o baguhin ang mga gamot.
4. Paano makakamura sa pagbili ng gamot?
Kung kayo ay lampas 60 ang edad, kumuha ng Senior Citizen card sa City Hall at ipakita ito sa botika upang mabigyan ng diskuwentong 20%. Subukang mag-generics dahil mura ang generic na gamot. Sabihin din sa inyong doktor kung puwedeng palitan ng mas murang brand ang mga iniinom na gamot.
Kaya kung puwede lang ay huwag maging pasaway. Inumin ang maintenance na gamot para humaba ang inyong buhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)