Sakit sa Puso at
Diabetes
“Ikaw, ano ang bp mo?”
Marami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig
sabihin ng “presyon ng dugo” o “blood pressure”? Ang presyon ng dugo ay
tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Mahalaga ang
presyon ng dugo para sa sapat na pagdala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang
bahagi ng ating katawan.
Ito ay sinusukat sa dalawang numero:
ang systolic at ang diastolic na presyon. Halimbawa, kapag sinabi ng duktor na
120 over 80. Ang unang numero (120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang
numero (80) ang tinatawag na diastolic na presyon.
Konting paliwanag lang: Ang systolic
na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang
puso. Ang normal na systolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg.
Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon
sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay
hanggang 90 mm Hg.
Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo
dahil sa mga sumusunod:
1. May ginagawa o
napagod.
2. Pag-iba o pagpalit ng
posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo.
3. Pagkain, sakit na
nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa.
Kailan sasabihing may altapresyon ang
isang tao?
Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa normal,
at ito ay nananatiling mataas, ito ay tinatawag na altapresyon. Ang blood
pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan ng altapresyon! Ang
puso natin ay maihahalintulad sa makina ng kotse. Kapag kinargahan mo ng 2 tonelada
ang kotse, masisira ang makina at gulong nito. Ganoon din ang katawan natin,
kapag kinargahan mo ng taba at 30 pounds, para ka na ring nagbitbit ng 30
pounds. Masisira agad ang iyong puso at tuhod.
6. Hindi aktibong pamumuhay. Maging magalaw at maliksi. Gumamit ng hagdanan. Kung kulang ka sa
ehersisyo, mas mataas ang posibilidad na ika’y tumaba.
7. Sobrang alak. Ang
malakas na pag-inom ng alak ay may masamang epekto rin sa ating puso, atay,
sikmura at utak.
8. Paninigarilyo. Ito ay
nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng hindi magandang pagdaloy ng
ating dugo.
9. Stress o tensyon. Ang
stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng sobrang pagkapagod ng katawang
pisikal, lalung-lalo na ng isip at emosyon. Don’t worry, be happy.
Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay mababawasan o
mababago, maaaring makaiwas sa maraming sakit. Good luck po!
Gamot sa Cholesterol, Hindi Dapat Agad Inumin
Napakaraming pasyenteng mahihirap ang nareresetahan ng mamahaling
gamot sa cholesterol. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P20 –
P80 bawat tableta. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin,
at Rosuvastatin.
Kung ang suweldo mo ay P250 lang sa isang
araw, paano mo pa mabibili ang gamot na iyan. Hindi ko po sinasabi na hindi
mabisa ang mga Statins. Sa katunayan ay napakabisa nito sa paglinis ng ating
ugat. Ngunit kadalasan ay nareresetahan agad ang pasyente ng Statins kahit
hindi pa ito kailangan.
Kailan puwedeng hindi muna uminom ng Statins?
Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America,
binibigay ang Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umaabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.
Ang problema kasi, may ibang doktor na kahit 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statins. Okay lang sana kung mayaman ang pasyente.
Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol? Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at mantika muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipasuri muli ang cholesterol. Kapag lampas pa sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.
Ang problema kasi, may ibang doktor na kahit 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statins. Okay lang sana kung mayaman ang pasyente.
Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol? Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at mantika muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipasuri muli ang cholesterol. Kapag lampas pa sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.
Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga babae na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaeng hindi pa menopause.
Kailan dapat uminom ng Statins?
Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso, istrok, at napakataas ang iyong cholesterol (lampas 240 mg/dl), kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may diabetes ka, may tulong din ang Statins. Pero unahin mo muna bilhin ang gamot sa diabetes dahil mas mahalaga ito.
Ang mura at epektibong statin ay ang Simvastatin. May mga generic na P10 hanggang P20 bawat tableta.
Paano kapag kulang sa pera?
Kapag kapos pa rin sa pera, may tinatawag na “poor man’s statin.” Ito ay ang Aspirin 80 mg tablet na P1.50 lang ang halaga. Makatutulong iyan sa sakit sa puso at mataas na cholesterol.
Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para malinawagan ng ating mambabasa kung kailangan ba talaga uminom ng Statins.
Ang lahat ng mga nakasulat sa itaas ay isinulat ni . . . ?. . . . at nais ko lang i-share sa lahat ng mambabasa at baka sakaling makatulong. As of now ay indi ko alam kung sino ang writer nito. galing lang ito sa frend ko na nag-USANA at nakita kong very informative siya kaya ko isinulat dito. once na nalaman ko kung sino sya at i-post ko name niya at sa kanya ang credit nito talaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
post your message