Linggo, Disyembre 1, 2013

May diabetes ka ba?


Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay

Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umiihi, o namamayat, magpa-check up para sa diabetes. Lalo na kung may lahi ka ng diabetes, dapat ay suriin ang iyong asukal sa dugo. Kapag ang blood sugar ay higit sa 125 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Sorry po.
Ang ibig sabihin nito ay 20-50% ng iyong mga selula sa pancreas (o pale sa Tagalog) ay nasira na ng diabetes. Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako ng doktor, pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pancreas.

Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, mag-diyeta at mag-ehersisyo. Bawasan ang pagkain ng matataba at matatamis. Umiwas sa soft drinks, iced tea at mga juices. Mag-tubig ka na lang.

Mag-ehersisyo ng mas regular.

Pangalawa, kung mas mataas pa sa 140 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan.
May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetes. Ito ay ang (1) Met7

Diabetes Huwag Pabayaan Dahil Nakamamatay

formin 500 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon; (2) Gliclazide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga 5 piso lang ang bawat isang tablet na mabibili sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy.
Sa pamamamagitan nitong 2 gamot, dapat ay mapababa na natin sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar.
Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito. Mamamanhid ang mga paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Hindi na kayang makipag-sex. Masisira ang ugat ng puso. At sa huli, mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot ito sa dialysis at pagkamatay.

Hindi biro ang sakit na diabetes. Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Sigurado pong hahaba ang buhay ninyo sa mga gamot na ito. Kumonsulta sa inyong doktor.

Diyeta sa diabetes

Alam n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain at wastong kaalaman. Heto ang mga tips na dapat tandaan.

1. Walang “mild” sa diabetes.
Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50% ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.
2. Umiwas sa matatamis at matataba.
Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at mamantika na pagkain.
3. Tumanggi sa Ice Tea, Soft Drinks at Capuccino. Mag-tubig na lang.
Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong Ice Tea bawat araw ay nakapagdaragdag sa inyong timbang ng 1 libra bawat linggo? Ang 1 basong soft drinks naman ay may 7 kutsaritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang talaga ang tunay na walang calories.
4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas.
Akala ng marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Matamis at nakatataba din ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abokado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas ay sampung piraso lang ang puwede.
5. Puwede ang isang kanin, isang gulay at konting karne.
May mga taong hindi na kumakain ng kanin para pumayat. Hindi po ito maganda. Sa katagalan ay manghihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailangan din ng katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may 1 tasang kanin ay sapat na, hindi ba? Mag-diyeta para ma-kontrol ang inyong diabetes.

May 4 na milyong Pilipino ang may diabetes. At napakarami pa ang magkakaroon nito sa darating na panahon. Bakit ko nasabi ito?Ito’y dahil sa klase ng ating kinakain. Soft drinks, junk food, sitsirya, taba ng baboy at French fries. May pagsusuri na nagpapatunay na ang soft drinks ay puwedeng magdulot ng diabetes. Ang mga hindi nag-e-ehersisyo at may katabaan ay maari ding magka-diabetes

Paano ginagamot ang diabetes?

Sa umpisa ay kinukuha sa diyeta at exercise ang diabetes. Ngunit madalas ay hindi pa rin napapa-normal ang asukal sa dugo. Dahil dito, marami ang nangangailangan ng gamutan. Ang pinakamainam na gamot sa diabetes ay ang mga nirereseta ng ating mga doktor
Murang Gamot sa Diabetes
1. Metformin 500 mg tablet – Ang Metformin ay binibigay sa pasyenteng may katabaan. Nakababawas ito ng gana sa pagkain. Ang Metformin ay binibigay mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon depende sa taas ng iyong blood sugar.
2. Gliclazide 80 mg tablet – Ang Gliclazide ay mas malakas magpababa ng asukal kaysa sa Metformin. Iniinom ito ng 1 hanggang 3 tableta sa maghapon. Minsan ay pinagsasabay ang Gliclazide sa Metformin. Ang isang murang brand name ay ang Glubitor na 6 na piso lamang.
Depende sa antas ng inyong blood sugar, tinitimpla ng mga doktor ang dosis ng gamot na ibibigay sa iyo. Ang pinakamataas na dosis na aking binibigay ay ganito: Example: Metformin 500 mg tablet, 3 beses sa isang araw. At Gliclazide 80 mg tablet, 3 beses din sa isang araw.

Pinakamurang gamot sa diabetes

Kung gipit kayo sa budget, may murang mga generic na gamot na mabibili sa mga tindahan tulad ng Botika ng Bayan at Generics Pharmacy. Nagkakahalaga lang ng 2 o 5 piso ang bawat tableta ng Metformin o Gliclazide.

Paano naman ang food supplements?

Sa aking pananaw, mas epektibo ang mga regular na gamot, tulad ng Metformin at Gliclazide, kaysa sa mga food supplements. Mas mura pa ang mga ito.
At kapag hindi pa rin bumaba sa normal ang blood sugar, kailangan na magumpisa ng Insulin injections. Huwag pong matakot sa Insulin. Sa katunayan, malaki ang naitutulong ng Insulin para hindi mahirapan ang ating pale (pancreas). Magpatingin sa inyong doktor.
Huwag Pasaway, Inumin Ang Gamot ninyo
Mayroong mga pasyenteng pasaway. Matigas ang ulo at ayaw makinig sa doktor. Kapag umiigi na ang pakiramdam ay itinitigil na ang gamot, kaya lumalala tuloy ang sakit nila. Ito ang 4 na bagay na dapat nilang tandaan.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

1. Ano ang dapat tandaan ng isang pasyente tungkol sa gamot niya?
Naiinis ang doktor sa pasyenteng hindi alam ang kanilang gamot. “Dok, iyong hugis tatsulok, iyong bilog at iyong kulay pink na gamot.” Ano ba iyan? Ano ba ang tingin mo sa mga doktor, manghuhula. Kaya payo ko sa mga kamag-anak o nag-aalaga sa pasyente, tandaan ang 2 bagay: (1) Ano ang pangalan ng gamot na iniinom? (2) Paano at kailan ito iniinom? Ilista sa papel para hindi makalimutan. Importante iyan!
2. Paano masisiguro na regular ang pag-inom ng gamot ng pasyente?
Sa mga madalas makalimot, mayroong nabibiling espesyal na lalagyan ng gamot na may markang Lunes hanggang Linggo sa labas. Puwede ring bantayan kung iniinom ng inyong asawa o magulang ang kanilang mga gamot. May mga magulang na hindi iniinom ang kanilang gamot dahil napakamahal daw nito at ayaw nilang pagastusin ang kanilang mga anak. Dahil dito, mahalaga ang pag-unawa ng pamilya. Ibalik si itay o inay sa doktor kada-tatlo o kada-anim na buwan.
3. Puwede bang ihinto ang gamot kung maayos na ang pakiramdam?
Hindi puwede! Tandaan, maraming gamot ang tinatawag na “maintenance medicine.” Ibig sabihin ay i-maintain o ituloy mo ang pag-inom. Dapat inumin ng tuloy-tuloy ang mga gamot sa altapresyon, diabetes at sakit sa puso. Kaya nasa tamang antas ang inyong blood pressure ay dahil may epekto pa ang gamot. Kapag inihinto mo ang pag-inom nito, muling tataas ang presyon ng dugo. Kadalasan, panghabang-buhay po ang pag-inom ng mga gamot na ito. Kumonsulta muna sa inyong doktor bago ihinto o baguhin ang mga gamot.

4. Paano makakamura sa pagbili ng gamot?

Kung kayo ay lampas 60 ang edad, kumuha ng Senior Citizen card sa City Hall at ipakita ito sa botika upang mabigyan ng diskuwentong 20%. Subukang mag-generics dahil mura ang generic na gamot. Sabihin din sa inyong doktor kung puwedeng palitan ng mas murang brand ang mga iniinom na gamot.

Kaya kung puwede lang ay huwag maging pasaway. Inumin ang maintenance na gamot para humaba ang inyong buhay.

Biyernes, Nobyembre 29, 2013

Mahina ba ang iyong puso? (o Heart Failure) 2



 Solusyon sa Mahina ang Puso (o Heart Failure)

May sakit na kung tawagin ay “heart failure” kung saan ay humihina ang masel ng puso. Dahil dito, nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo sa buong katawan.

Bakit nanghihina ang puso? Ang karaniwang sanhi ng heart failure ay ang pagbabara ng ugat sa puso dulot ng altapresyon, diabetes, paninigarilyo at pagkain ng matataba. May mga batang pasyente na may rheumatic heart disease ang nagkakaroon din ng heart failure.

Paano malalaman kung may heart failure?

Ang pinakamagandang test para malaman ang kondisyon ng puso ay ang 2D-Echo, kung saan lalabas sa telebisyon ang hugis ng puso. Nagkakahalaga ito ng P1,500 hanggang P4,000 depende kung saan gagawin. Base sa 2D-Echo, malalaman kung may heart failure ang pasyente.
Ang sintomas ng heart failure ay ang pamamanas ng paa, paghingal lalo na kapag nakahiga. Parang nalulunod ang pakiramdam at kailangan nilang gumamit ng maraming unan.

Ano ang gamutan?

Kailangan magpa-check up agad sa isang cardiologist. May mga gamot na
ibinibigay tulad ng:
1. Furosemide 40 mg tablet – Ito ay gamot na pampaihi. Dahil mahina ang puso, nag-iipon tuloy ang tubig sa buong katawan.
2. Ace-inhibitors tulad ng Enalapril 10 mg o Captopril 25 mg tablet – Mabisa ang gamot na ito para mapaliit ng bahagya ang lumalaking puso.

Paano matatanggal ang sobrang manas ng heart failure?

1. Limitahan ang pag-inom ng tubig at likido sa 4 hanggang 5 baso lang sa isang araw. Kabilang na dito ang sopas, juice, at matutubig na prutas. Kapag uminom ka ng isang tasang sabaw, 4 na baso na lang ng tubig ang puwede mong inumin.
2. Sukatin ang iniinom at iniihi bawat araw. Ilista ito sa papel. Gumamit ng plastic na litro ng soft drinks para masukat ang lahat ng iniihi sa isang araw. Sa mga pasyenteng may heart failure at pamamanas, kailangan ay mas madami ang iniihi kaysa sa iniinom. Kung 1 litro ang nainom, kailangan ay 1 o 2 litro ang iihiin sa isang araw. Sa ganitong paraan, mababawasan ang manas at paghingal ng pasyente.
3. Timplahin ang pag-inom ng Furosemide para maabot ang layunin na 1 o 2 litro ng ihi sa isang araw.
4. Kumain ng 2 saging bawat araw. Ito’y para mapalitan ang potassium na nawawala sa katawan sa pag-ihi.
 
Alam kong mukhang mahirap ang paggamot ng heart failure, pero napakaraming pasyente na ang napagaling sa ganitong paraan. Huwag mangamba. May pag-asa pa kahit mahina ang inyong puso.

Kumonsulta sa inyong doktor.




Martes, Nobyembre 26, 2013

HIGH BLOOD KA BA?




 Sakit sa Puso at
Diabetes
“Ikaw, ano ang bp mo?”
Marami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng “presyon ng dugo” o “blood pressure”? Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat. Mahalaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang bahagi ng ating ka­tawan.
Ito ay sinusukat sa dalawang numero: ang systolic at ang diastolic na pre­syon. Halimbawa, kapag sinabi ng duktor na 120 over 80. Ang unang numero (120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang numero (80) ang tinatawag na diastolic na presyon.
Konting paliwanag lang: Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na sys­tolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg.
Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay hanggang 90 mm Hg.
Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod:
1. May ginagawa o napagod.
2. Pag-iba o pagpalit ng posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo.
3. Pagkain, sakit na nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa.
Kailan sasabihing may altapresyon ang isang tao?
Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa normal, at ito ay nananatiling mataas, ito ay tinatawag na altapresyon. Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan ng altapresyon! Ang puso natin ay maihahalintulad sa makina ng kotse. Kapag kinargahan mo ng 2 tonelada ang kotse, masisira ang makina at gulong nito. Ganoon din ang katawan natin, kapag kinargahan mo ng taba at 30 pounds, para ka na ring nagbitbit ng 30 pounds. Masisira agad ang iyong puso at tuhod.
6. Hindi aktibong pamumuhay. Maging magalaw at maliksi. Gumamit ng hagdanan. Kung kulang ka sa ehersisyo, mas mataas ang posibilidad na ika’y tumaba.
7. Sobrang alak. Ang malakas na pag-inom ng alak ay may masamang epe­kto rin sa ating puso, atay, sikmura at utak.
8. Paninigarilyo. Ito ay nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng hindi magandang pagdaloy ng ating dugo.
9. Stress o tensyon. Ang stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng so­brang pagkapagod ng katawang pisikal, lalung-lalo na ng isip at emosyon. Don’t worry, be happy.
Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay mababawasan o mababago, maaaring makaiwas sa maraming sakit. Good luck po!
Gamot sa Cholesterol, Hindi Dapat Agad Inumin
Napakaraming pasyenteng mahihirap ang nareresetahan ng mamahaling ga­mot sa cholesterol. Ang tawag dito ay Statins at nagkakahalaga ito ng P20 – P80 bawat tableta. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin, at Ro­suvastatin.
Kung ang suweldo mo ay P250 lang sa isang araw, paano mo pa mabibili ang gamot na iyan. Hindi ko po sinasabi na hindi mabisa ang mga Statins. Sa katunayan ay napakabisa nito sa paglinis ng ating ugat. Ngunit kadalasan ay nareresetahan agad ang pasyente ng Statins kahit hindi pa ito kailangan.
Kailan puwedeng hindi muna uminom ng Statins?
Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America, binibigay ang Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umaabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.
Ang problema kasi, may ibang doktor na kahit 210 lamang ang cholesterol ay nagrereseta na ng Statins. Okay lang sana kung mayaman ang pasyente.


Paano naman kapag lampas sa 240 ang cholesterol?  Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at mantika muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipasuri muli ang cholesterol. Kapag lampas pa sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins.

Ngunit may isa pang importanteng detalye: Ang mga babae na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaeng hindi pa menopause.


Kailan dapat uminom ng Statins?


Kung ika’y nagkaroon na ng atake sa puso, istrok, at napakataas ang iyong cholesterol (lampas 240 mg/dl), kailangan mo nang uminom ng Statins. Kung may diabetes ka, may tulong din ang Statins. Pero unahin mo muna bilhin ang gamot sa diabetes dahil mas mahalaga ito.


Ang mura at epektibong statin ay ang Simvastatin. May mga generic na P10 hanggang P20 bawat tableta.
Paano kapag kulang sa pera?


Kapag kapos pa rin sa pera, may tinatawag na “poor man’s statin.” Ito ay ang Aspirin 80 mg tablet na P1.50 lang ang halaga. Makatutulong iyan sa sakit sa puso at mataas na cholesterol.
Sana po ay nakatulong ang artikulong ito para malinawagan ng ating mambabasa kung kailangan ba talaga uminom ng Statins.


Ang lahat ng mga nakasulat sa itaas ay isinulat ni . . . ?. . . . at nais ko lang i-share sa lahat ng mambabasa at baka sakaling makatulong.  As of now ay indi ko alam kung sino ang writer nito.  galing lang ito sa frend ko na nag-USANA at nakita kong very informative siya kaya ko isinulat dito.  once na nalaman ko kung sino sya at i-post ko name niya at sa kanya ang credit nito talaga.

Linggo, Nobyembre 24, 2013

Overweight ka ba?



“Overweight ka ba?"

Alam niyo ba ang inyong tamang timbang?  May taong mukhang payat, pero ang taba ay nasa bilbil. May taong mabilog ang mukha, pero payat naman. Kung gusto ninyo na malaman kung mataba kayo o hindi, heto ang lista ng tamang timbang batay sa edad, taas at kasarian.






Halimbawa, kung kayo ay lalaki na may taas na 5 feet at 5 inches, ang tamang timbang mo ay 136 pounds lamang. Kapag lumampas ka ng 10 pounds sa timbang na iyan ay tatawagin ka ng “overweight” ng iyong doktor. Ang ibig sabihin ay puwede kang magkasakit ng diabetes, arthritis at sa puso. Kung sobra ka sa timbang, may ilang tips dito para magpapayat:

1. Iwasan ang mga sitsirya (junk foods), soft drinks at juices.
2. Kumain nang dahan-dahan para maramdaman agad ang pagkabusog at paunti-unti ring bawasan ang dami ng kinakain.
3. Kapag sobra sa timbang, ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 kilo lamang bawat buwan at hindi hihigit pa rito. Ang mga pildoras na pampapayat (diet pills) ay pansamantala lamang ang epekto.
4. I-rekord at bantayan ang iyong timbang habang patuloy na minamanmanan ang iyong kinakain.
5. Pumili ng ehersisyong kinasisiyahang gawin at isagawa ito ng mga 30 minuto, tatlo hanggang limang beses kada linggo.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Magbawas sa Pag-inom ng Iced Tea at Soft Drinks.
Kung kayo po ay sobra sa timbang, may diabetes, may altapresyon o gusto lang maging malusog, sundin ninyo ang payo ko: Magbawas tayo sa Iced Tea, soft drinks at kung anu-ano pang matatamis na inumin. Malaki ang maibababa sa timbang ninyo.

Alam ba ninyo na ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kapag uminom kayo ng soft drinks, para ka na rin kumain ng 7 kutsaritang asukal! Ganoon din ang iced tea. Puro asukal din iyan kaya grabe ang tamis!

Ayon sa siyentipikong pagsusuri, ang pag-inom ng soft drinks ay puwedeng maging sanhi ng diabetes. Mabilis din itong makataba at magpalaki ng tiyan. Kahit “No-sugar” o “Lite” pa ang inyong inumin ay may peligro pa rin. Dahil ang diet soft drinks ay may halong phosphorous na nagtatanggal ng calcium sa ating katawan. Puwede kang magka-osteoporosis. Ang payo ko ay mag-tubig na lang!
Nakatataba ang Pineapple Juice at iba pa  Kung kayo’y may katabaan, ang payo ko ay umiwas din sa mga fruit juices. Orange juice, pineapple juice at kung anu-ano pang juices. Mataas ito sa calories at asukal kahit sabihin mong “unsweetened” pa. Kapag uminom kayo ng maraming juices, baka kayo tumaba.
Hindi ko alam saan nanggaling ang paniniwala na maganda sa altapresyon ang pag-inom ng pineapple juice. Hindi po ito tunay. Gamot, diyeta at exercise lang ang magpapababa ng blood pressure.
Anong prutas ang puwede sa mga nagpapapayat? Mansanas, peras at konting saging lang ang puwede. Bawal na bawal ang mangga at ubas dahil sobra itong matamis. Kung gusto ng mangga, isang pisngi lang ang puwedeng kainin. Sa ubas ay 10 piraso lang ang pinakamadami.
Umiwas sa Coffee at Energy drinks

Walang gaanong benepisyo ang makukuha sa mga coffee drinks. Lalo na kung may halo pang whipped cream, chocolate, at full cream milk ang kape mo. Alam niyo ba na ang katumbas ng isang cappuccino with whipped cream ay 3 platong kanin na?

Masama din sa kalusugan ang mga energy drinks dahil mataas ito sa caffeine. Nakaka-addict ang caffeine at nakabibilis pa ng tibok ng puso. Kung ika’y may altapresyon, bawal ang energy drinks dahil puwedeng tumaas ang blood pressure mo. Kaya kaibigan, tubig lang ang dapat inumin. Papayat ka pa at makaiiwas ka pa sa maraming sakit!

One Egg A Day Lang Po!

Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin?

May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Ang itlog ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa katawan at masustansya. Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang pula ng itlog. Mataas ito sa kolesterol dahil ang rekomendasyon ng American Heart Association ay huwag kumain ng lampas sa 300 milligrams ng kolesterol sa isang araw.

Sari-sari ang opinyon tungkol sa itlog. Ngunit ang sasabihin ko ngayon ay ang deklarasyon ng mga doktor ng American Heart Association at Philippine Heart Association. Heto ang payo namin:

1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetes o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang nilagang itlog kaysa sa pritong itlog.

2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetis o mataas ang kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo. Kung gusto mo kumain ng itlog, mas maigi ang puti ng itlog na lang ang kainin at huwag na lang ang pula o egg yolk. Nasa egg yolk kasi ang kolesterol.

3. Eat eggs in moderation. Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Para sa akin, hindi ko mapapayo ang pagkain ng lampas sa 1 itlog sa isang araw. Kailangan ay balanse ang ating diyeta. Kumain ng gulay, prutas at isda.
Masustansya ang gulay tulad ng kangkong, malunggay, carrots at kalabasa. Sa prutas, sagana sa bitamina ang saging, suha at mansanas. Sa isda naman, mabuti sa katawan ang sardinas, tilapia at bangus belly. Good luck po!

Ano ba ang tamang pagkain?



Ang Pinaka Masustansyang Pagkaing Pinoy

Alam mo ba ang mga pinakamasustansyang pagkain para sa ating kalusugan? Ano ba ang pinaka-healthy na pagkaing ginawa ng Diyos para sa tao? Hindi ko na kayo papasabikin, heto ang aking listahan:

1. Ma-berdeng mga gulay – Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, broccoli, spinach at iba pang mga talbos ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa bitamina, minerals at iba pang healthy na kemikal. Kapag mahilig ka sa gulay, sa tingin ko ay puwede ka nang hindi mag-vitamins. Ang gulay ay mabuti rin sa maraming sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan, colon cancer at iba pang kanser.

2. Matatabang isda – Ang mga oily na isda tulad ng sardinas, tilapia, tuna at mackerel ay may Omega-3. Ang Omega-3 ay nag-aalaga ng puso, tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso at istrok, at nagpapababa ng kolesterol sa katawan. Ang problema lang ay mahal ang mga isda na ito. Ayon sa pagsusuri, ang Omega-3 supplements ay punong-puno ng healthy na Omega-3.

3. Kamatis – Ang kamatis ay mataas sa lycopene na tinatawag na anti-oxidants. Pang-alis ito ng dumi sa ating mga selula. Ang ketchup at tomato sauce na galing sa kamatis ay mainam din. Ang kamatis ay makatutulong din sa pag-iwas sa mga kanser.

4. Citrus fruits tulad ng calamansi, suha at dalandan – Masustansya ang mga prutas na ito dahil may Vitamin C. Ang Vitamin C ay panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.

5. Carrots – May pagsusuri ang nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa kanser.
Ito ay may Vitamin A na mabuti sa ating mga mata. Isa pa, nakakapayat ang carrots dahil 35 calories lang ang kalahating tasa nito. Kaya turuan natin ang ating mga anak na kumain ng carrots.

6. Saging – Ang saging ang pinakamasustansyang prutas para sa akin. Puwede ito gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito’y dahil natatapalan ng saging ang mga sugat sa tiyan. Ang saging ay lunas din sa mga nanghihina at may cramps dahil mayaman ito sa potassium. Kung lagi kayong pawisin at gusto niyong lumakas, mag-saging ka. Nakita niyo na ba si Roger Federer, ang tanyag na tennis player? Kumakain siya ng saging sa gitna ng kanyang laban. Kailangan ni Federer ng lakas at sigla, at saging ang sagot.

7. Gatas, keso at yoghurt – Ang mga produkto ng gatas tulad ng mga nabanggit ay matatawag nating “complete foods.” Ito’y dahil ang gatas ay may protina, may carbohydrates at may taba din. May calcium pa para sa kababaihan. Nakita niyo ba ang laki at lakas ng mga Americano? Ginagawa kasi nilang tubig ang pag-inom ng gatas. Sa mga gustong magpapayat, low-fat milk ang inumin.

8. Bawang – Ang bawang ay makatutulong sa pagpapababa ng kolesterol. Mag-ingat lang sa pagkain nito dahil puwedeng humapdi ang iyong tiyan.

9. Mansanas – “An apple a day, keeps the doctor away.” Tunay po iyang kasabihan. May taglay na pectin ang apple na nag-aalis ng dumi sa katawan. Nakakabusog pa ito at puwede sa mga nag-di-diyeta.

10. Tubig – Kasali ang tubig sa ating listahan dahil marami sa ating Pinoy ang kulang sa pag-inom ng tubig. Lalu na ngayong tag-init, kailangang uminom ng 8-12 basong tubig. Makatutulong ito sa pag-iwas sa impeksiyon sa ihi, panlinis ng katawan, pagbawas ng acid sa tiyan at pampaganda rin ng ating kutis. Siguraduhin lang na malinis ang tubig na iniinom para hindi magka-typhoid o cholera. Bumili ng purified water o pakuluan ng 5 minuto ang tubig.

Mayroon pang 10 pagkain sa aking listahan: (11) Ampalaya para sa diabetes; (12) monggo na mataas sa protina at mura pa; (13) luya tulad ng salabat para sa boses at pagsusuka; (14) oat meal para bumaba ang kolesterol; (15) kamote dahil sa taglay na Vitamin A; (16) wheat bread dahil mataas ito sa fiber; (17) taho at tofu; (18) tsa-a tulad ng green tea; (19) buko at buko juice para sa kidneys; at (20) mani para tumalino. Sana po ay matago niyo ang listahang ito at maipamahagi sa iyong mga kaibigan.

Mga “Not-so-healthy” Foods Na Hilig Ng Pinoy

Alam mo naman tayong mga Pinoy, hilig natin ang mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.

10. Soft drinks – Naku, guilty ka diyan, ‘di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga may diabetes. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, mag-tubig ka na lang!

9. French fries – Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong matataba, may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.

8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

7. Alak – May mga pasyente ang nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, “Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote.” Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din ito ng maraming kanser.

6. Junk food – Nakaka-addict ang mga sitsirya at chips. Ito’y dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan kaya turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.

5. Medyo hilaw na karne – Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na laman, tulad ng kilawin na isda o karneng may dugo pa. Siguraduhin lutong-luto ang inyong kinakain. Hindi sapat ang pagsawsaw sa suka o calamansi para mapatay ang mga bulate at mikrobyo.

4. Street food – Ayon sa pagsusuri, 70% ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag ang mga street vendors ay hindi naghuhugas ng kamay, puwedeng mailipat ang bulate sa ating pagkain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at iba pa. Huwag makipagsapalaran.

3. Laman loob – Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsasabi na puwedeng magdulot din iyan ng kanser.

2. Chicharon at chicharon bulaklak – Sabi ng kaibigan ko, “Balat lang naman ang gusto ko at hindi naman taba.” “Eh saan ba nagtatago ang taba,” ang sagot ko. “Sinawsaw ko naman sa suka,” hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.

1. Lechon – Ang paborito ng lahat kainin ay ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, patikim-tikim na lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasaktan



Biyernes, Hunyo 21, 2013

USANA PRODUCTS



ESSENTIALS

This is the best seller ng Usana. . . .  complete set of multivitamins, minerals at anti oxidants.  Lahat ng kailangan natin ay nandito na sa Essentials.  Ito naman ang maaring maging effects sa ating katawan.

Quality Sleep- hindi hahaba ang tulog mo pero gaganda ang quality kaya kahit kulang ka sa tulog pakiramdam mo kumpleto pa din ang iyong pahinga.  20 anti oxidants ang nagtatangal ng stress sa bawat cells na nararamdaman ng buong katawan sa relaxing effect kaya mas mahimbing ang tulog.

Extra Stamina-complete sa B-complex vitamins na tumutulong para mag release ng energy ang bawat cells.  Kahit hataw sa trabaho sa buong maghapon, bagay ito sa mga workaholics o yung mga tao na may mabibigat na trabaho.

Better metabolism-may inosito at chromium  nanagre-regulate ng metabolism para yung mga calories na galing sa pagkain ay ma-burn ng maayos.  Kung naco-convert ng katawan ang carbo, fats at protein, hindi sila ma-stock sa katawan bilang taba.

Strong Immunity -.Ang pinakamagandang combinatuion ng nutrients para palakasin ang resistensya ay Zinc, Vit A, C, at E.  Lahat ng ito ay nasa essentials na.  Importante ito para hindi kaagad kapitan ng sakit lalo na ng ubo, sipon at trangkaso.

Anti-Aging-Ang 20 antioxidants ng essentials ang tutulong sa katawan para labanan ang mga free radicals. Ang mga free radicals ang unti unting pumapatay sa mga cells natin ng hindi namamalayan. Minsan may mapapansin ka na sa mga tao na mukang mas matanda kesa sa tunay na edad nila, dahil yun sa pang matagalang effect ng free radicals na kayang kayang labanan ng antioxidant ng USANA.

Pwedeng gamitin ang Essentials ng kahit sino basta 9 years old pataas, safe din to gamitin ng mga buntis, sa mga matatanda, mga workaholic, may mga sakit, or kahit yung gusto lang magmaintain ng health nila.

Ang mga susunod na products ay optimizers. Ito yung mga may target na health problem o sakit, customized ito depende sa kelangan mo o ng family mo, may mga optimizers na ang target ay puso, yung iba naman liver o kaya joints, pero pwede din itake ng mga healthy na pero gusto lng i maintain or improve ang katawan.


PROFLAVANOL

Grapeseed

Kayang magpababa ng cholesterol para sa mga taong high blood at na istroke or inatake sa puso, may anti-allergy effect din na pwede sa mga allergies sa pagkain o gamot. Pwede din sa may asthma, kaya din mag control ng blood sugar para sa may diabetes.

Poly C

Vitamin C para palakasin ang resistensya at pabilisin ang paghilom ng mga sugat. Hindi acidic kasi ascorbate ang form imbes na ascorbic acid. Hindi nakakasikmura.


COQUINONE

Energy-booster ng USANA

CoenzymeQ10

Kelangan ng katawan ang enzyme na to para makapagproduce ng energy, halos lahat ng cells nakadepende dito para sa energy. Kaya sa mga hataw magtrabaho, mga nag gy-gym, marathon, or any sports, maasahan ang Coquinone kung energy ang kelangan mo.

Alphalipolic Acid

Powerful antioxidant panglaban sa stress at fatigue, tumutulong na marecycle ang coenzyme Q10 para mas matagal ang effect sa katawan. Bukod sa energy, pwede din ang Coquinone sa mga taong may problema sa fertility, mga baog kahit lalake o babae, sa mga may cancer before or after mag chemotheraphy para mabawasan ang matinding side effects tulad ng pagsusuka at pamamayat. Sa mga inatake sa puso, gamot ang Coquinone para mabilis makarecover ang mga pasyente.


BIOMEGA

Ang fish oil na source ng Omega 3.

Omega 3

Ang pinakamabisang combination ng Omega 3 ay EPA at DHA.

EPA ang nagrereduce ng bad cholesterol sa dugo para hindi ma ipon at magbara sa loob ng ugat.
DHA naman ang bumabalot sa mga nerves at brain cells para mag function ng maayos at hindi agad masira.
Dahil sa EPA, pwedeng irecommend ang Biomega sa mga highblood, na stroke (ischemic type), inatake sa puso, Dahil may DHA, pwede ito sa may Alzheimers Dementia o ulyanin, multiple sclerosis, cerebral palsy, Parkinsons, epilepsy, at Down Syndrome.

Vitamin D

Bukod sa pampatibay ng buto, anticancer at immune booster din ang vitamin D, mas madali pang ma absorb sa tiyan dahil sa hinalo sa omega 3 fatty acid.

Guaranteed na walang lead at mercury na pwedeng makadamage ng utak. Hindi din malansa kase may lemon oil na kahalo.

 HEPASIL

Ang optimizer na para sa mga mabibisyo, pang detox ng katawan

Silymarin

Nutrient na kelangan para protektahan ang atay lalo na sa mga lasenggero dahil mas prone sila sa cirrhosis

Green Tea & Brocoli

Extract na tutulong irepair ang atay na nasira ng fatty liver at hepatitis

Olivol

Olive oil pang pababa ng cholesterol at tumutulong pantunaw ng gallstones at kidney stones


ACTIVE CALCIUM

Calcium Citrate

Pinakaimportanteng mineral para maging matibay ang buto at maiwasan ang osteoporosis. at dahil citrate ( hindi lactate ) hindi nagfoform ng kidney stones. Kelangan din natin ng calcium para gumalaw ang mga muscles, pwede din ito gamitin ng mga may ulcer. Calcium ang bumabalot sa tiyan para hindi mapudpod at mabutas ng acid sa tuwing malilipasan tayo ng gutom.

Vitamin D

Hindi maaabsorb ng katawan ang calcium kapag walang Vitamin D, dapat lagi silang magkasamang iniinom. Ang Vitamin D ng usana ay D3 kaya active, hindi na kelangan magpaaraw para maabsorb.


PROCOSA

Optimizer na para sa mga joints / kasukasuan

Ang joints natin ay nababalutan ng cartilage o gatil para smooth ang paggalaw ng katawan, kaya lang sa sobrang paggamit, napudpod ito at nagiging magaspang ang paggala. Nasisira din ang nakapalibot na mga ligaments kaya pag may arthritis, sobrang sakit igalaw ang mga tuhod.

Glucosamine

Ito ang tutulong irepair ang napudpod na mga cartilage.

Curcumin

Luyang dilaw ang magtatanggal ng sakit at pamamaga ng mga kasukasuan

Pwedeng pwede ito sa ibat ibang kaso ng arthritis, rayuma, gout at osteoarthritis

At dahil may curcumin na pain reliever, pwede din ang procosa sa migraine headache, backache, at muscle pain.


VISIONEX

Vitamins para sa mata

Lutein at Zeaxanthin

Antioxidants na nag fi-filter ng UV rays at radiation na pwedeng makasira sa lens at retina ng mata, lalo na ngaun na madalas tayong nakatutok sa computer at t.v.

Bilberry

Extract na nag iimprove ng circulation ng dugo sa mata.

Pwede ang visionex para maprevent ang cataract, glaucoma, at mataas na grado ng mata.


NUTRIMEAL

Ang second  bestseller ng USANA

Sobrang mabili kase madaming tao lalo na babae ang desperado pumayat..marami ng nagtry pero hindi naging effective.

Ito ang healthiest way para mag lose ka ng weight...milkshake available in Chocolate, Strawberry at vanilla flavour, meal replacement kaya matipid kase ito na nag gagawing almusal
, tanghalian hapunan. Don't worry kase kahit ito lang ang tinetake mo. hindi ka magugutom, manghihina, o mahihilo, complete food kase ito, mattas ang protein kaya pang matagalang source ng energy, di tulad ng mga diet pills, walang side effects ang nutrimeal like diarrhea at constipation.

Ang number one factor kung bakit tumataba ang isang tao ay hindi pagkain kundi metabolism, may mga taong malakas kumain ng rice pero hindi nataba, yung iba naman nag sskip pa ng meals during diet pero hindi napayat. kase metabolismang nag dedetermine ng body weight, kaya ang tawag sa weight loss program ng Nutrimeal ay RESET kase irereset o iaadjust nya ang metabolism mo, papabilisin para mabilis magburn ng calories.

Kung talagang decided magpapayat madali lang sundin ang RESET program, for first five days, tatlong beses inumin ang nutrimeal, ipalit sa breakfast, lunch, at dinner, second stage at TRANSFORM, for the next three to four weeks, dalawang beses na lang ipapalit sa pagkain ang Nutrimeal, at last stage ay MAINTAIN phase, ang last three to four weeks ay once a day na lang ang Nutrimeal, pero yung iba, pag na meet na yung target weight tumitigil na, pwede namna yun basta pumili lang ng mga pagkain na low glycemic o mababa ang sugar content, may mga listahan ng ganung pagkain na pwede i research sa google.

Ang guarantee ng Nutrimeal Reset Program ay you can lose 10 pounds in 10 days, pero ang mga clients natin mas mabilis pa ang pagpayat kase sinusunod talaga nila yung program na may kasamang essentaials at proflavanol.

SENSE

Ang skin care products ng USANA. Complete set ng Cleanser..Toner..at moisturizer..

Non soap kaya hindi nakaka dry ng balat, may aloevera, soy protein, seaweeds, at grapeseed para alagaan ang skin laban sa sobrang UV rays, init at chemicals galing sa environment.

Effective pang prevent ng acne (pimples) freckles (pekas) wrinckles at dark spots..

Ang maganda pa sa sense, walang halong harmful chemicals like paraben na cancerous at hydroquinone na nakakapekas..pang tatlong buwan na gamit na kaya matipid

Biyernes, Abril 19, 2013

Usana - Wealth.






Bakit Usana Wealth.  Sa bawat paggamit mo ng Usana Products ay pwede kang kumita.  May magandang programa ang Usana sa mga users  at sa gustong kumita.  Gusto ng Usana na   makasiguro ang bawat distributor na magkaroon ng parehas na pagbabahagi  ng income ang bawat isa.

Paano magsimula ng business sa Usana?

Magsisimula ka sa Pagbili ng starter kit at mag fill-up ng application.  Automatic ka ng kasapi at start agad ang iyong sariling business center at pwede ka ng makatangap ng commissions pag naka 200 points sa iyong personal sales volume (PSV) at may autoship ka na Php 7500.00.  Makukuha mo ang mga points na ito sa iyong personal use at sa iyong mga nakuhang distributor.  Pwede mo rin ibenta ang mga producto ng retail or wholesale.  Magsisimula ang iyong distributorship pag may left and right ka na.  Sa parteng ito ay papasok na ang teamwork o ang pagtutulungan ng bawat kasapi sa iyong grupo.  Pag may left and right ka na at tapos ay naka recruit ka pa ng bagong miembro, pwede mo silang ilagay sa ilalim ng iyong left and right.  Please take note na yung 200 SVP (sales volume points) ay pwedeng manggaling din sa mga na recruit mong distributor.


Eto pa yung isang link ng usana web site upang lalo pa ninyong maintindihan kung paano magiging hanapbuhay ang pabenta ng Usana Products: http://www.usana.com/dotCom/opportunity/BinaryCompPlan  click nyo lang ang inyong countryor kung ano ang language na gusto ninyong gamitin para mabilis ninyong maunawaan.










Miyerkules, Abril 17, 2013

What is Usana? Part 2



Ano ba ang Usana?  Multi level marketing ba ito or manufacturing company?  Pwedeng sabihing pareho, kasi nagma-market sya ng sarili niyang produkto.  Ipakilala ko munang mabuti sa inyo ang Usana.

Ang Usana ay nagsimula pa nuong 1992 sa pamumuno ni Dr. Myron Wentz.  Si Dr. Wentz ay isang Ph.D sa microbiology and immunology at na recognized siya sa pangunguna sa pag culture ng human cell para     madiagnoze ang infectious disease.  Ang gustong mangyari ni Dr. Wentz ay maibigay ang tamang combination ng lahat ng nutrients na kailangan ng ating katawan upang maipamalagi ang kalusugan at maiwasan ang degeneration ng ating cells.  Hindi ko na hahabaan pa ang pagpapakilala sa USANA at madami namang video na pwedeng mapanood sa youtube.

Ang isa sa mga leading brands niya ay ang Usana Essentials.  http://www.youtube.com/watch?v=v8Hs2Ibas4A.  Sa video ay ipapaliwanag kung bakit ang Usana Essentials ang una sa lahat ng mga supplementary foods.  Pwedeng uminom ng Essentials ang mula sa 8 years old, healthy or sick o kahit ang buntis.  Ito ang tumutulong upang muling mabuo ang mga cells na sinisira ng mga free radicals.  Pag kinulang kasi tayo ng mga nutrients ay tuluyang sisirain ng mga free radicals ang cells ng ating katawan at ito ang maaring maging sanhi ng ating pagkakasakit.  Karaniwan na ito sa mga taong nagkakaroon ng colon cancer, sakit sa baga, sakit sa atay o kaya ay ang mabilis na pagtanda.

Proflavanol C.  Ito ay para naman sa mga kasalukuyang may specific na sakit tulad ng acne, cancer, asthma, diabetes allergies at hypertension.

Coquinone 30 -  Ito naman ay laban sa Fatique, Cancer, Hearth Failure, Kidney Failure, Hair Loss at Infertility.

Biomega - Para naman ito sa may mga Elevated Cholesterol, Hypertension, Pregnant 1 to 8 months only at Stroke (ischemic, not hemorrhagic)

Hepasil -  Sa mga taong meron ng Hepatitis, Chronic Alcoholism, Cirrhosis, Chronic Smoking, Fatty Liver at Gall at Kidney Stones

Active Calcium - Para sa may mga Osteoporosis, Menopause & regular menstruation, Strenuous Physical Acrtivity at sa may Ulcer.

Visionex - Yung merong Macular Degeneration, Cataract, Glaucoma at Optic Neuritis.

Procosa - Para sa may Arthritis (osteoarthtritis, rheumatoid arthritis for pain), Joint Injury at Mild Pain (muscle pain, headache, stomach ache)

Nutrimeal - For weight loss (3x a day as meal replacement) For weight gain (3x a day as meal supplement) Body Building at Diabetics.

Sense - Frecles, Wrinkles, Acne, Dry or Oily Skin at Frequent Sun Exposure.

Ang mga nabangit na product na highlighted ng blue ay pawang nasa listahan ng mga Doctor at pwede itong ireseta.  Ang mga produkto ng Usana ay walang tatak na "non-therapheutic claim". Na ibig sabihin ay ito ay nakagagaling at hindi ito supplementary food.. Ang Usana Products ay kasama sa Physician's Desk Reference (PDR) at ng Master Index of Medical Specialities (MIMS) na kung saan ito ay gamit ng mga Doctor sa pag i-issue nila ng gamot sa kanilang pasyente throughout US and Asia.



Kung may katanungan kayo, pwede nyo akong i-message sa girlie_baltazar@yahoo.com or text kayo sa 0932-443-5472.


USANA WEALTH

Bakit Usana Wealth?    Sa bawat paggamit mo ng Usana Products ay pwede kang kumita.  May magandang programa ang Usana sa mga users  at sa gustong kumita.  Gusto ng Usana na   makasiguro ang bawat distributor na magkaroon ng parehas na pagbabahagi  ng income ang bawat isa.

Paano magsimula ng business sa Usana?

Magsisimula ka sa pagbili ng starter kit at mag fill-up ng application.  Automatic ka ng kasapi at start agad ang iyong sariling business center at pwede ka ng makatangap ng commissions pag naka 200 points sa iyong personal sales volume (PSV) at may autoship ka na Php 7500.00.  Makukuha mo ang mga points na ito sa iyong personal use at sa iyong mga nakuhang distributor.  Pwede mo rin ibenta ang mga producto ng retail or wholesale.  Magsisimula ang iyong distributorship pag may left and right ka na.  Sa parteng ito ay papasok na ang teamwork o ang pagtutulungan ng bawat kasapi sa iyong grupo.  Pag may left and right ka na at tapos ay may nag join ka pa na bagong miembro, pwede mo silang ilagay sa ilalim ng iyong left and right.  Please take note na yung 200 SVP (sales volume points) ay pwedeng manggaling din sa mga na recruit mong distributor.


Para sa madaming karagdagang kaalaman tungkol sa Usana Wealth, eto  yung isang link ng usana web site upang lalo pa ninyong maintindihan kung paano magiging hanapbuhay ang pagbenta at paggamit ng Usana Products: http://www.usana.com/dotCom/opportunity/BinaryCompPlan  click nyo lang ang inyong 'OPPORTUNITY' or kung ano ang language na gusto ninyong gamitin para mabilis ninyong maunawaan.

Pwede nio ako e-mail sa girlie_baltazar@yahoo.com or you may call or txt at 0932-443-5472










Linggo, Abril 14, 2013

USANA HEALTH TIPS!!! Part 1


Usana.  Is it herbal or synthetic medicine?


Hindi naman ako Doctor o nakapag aral na related sa medicine, pero sa nadinig ko sa speaker ng usana product ay naging interesado ako na malaman pa ang maraming bagay tungkol sa usana products.  Nag research ako sa google at youtube at pagkatapos kong madining ang mga against at favor sa usana ay nag decide akong  magsimulang gumamit and at the same time ay gawin ko na rin source of income.  Sabi kasi ng Usana ay Health and Wealth.

Pag-usapan muna natin ang health.  Healthy ka ba?  Ano ba ang definition para masabi ang isang tao ay healthy.  Well, indi ako makasagot, kasi may idea naman ako gaano kadumi ngayon ang ating surroundings .  Toxic na ang environment and at the same time ay ang ating mga kinakain ngayon.  Parang ang hirap sabihing healthy ka tapos after few days ay nabalita  na inatake ka na.

Wala naman sigurong may gusto na tumanda na bed ridden.  meron kasing mga tao na sa idad na 50 ay napakaraming bawal ng kainin tulad mga diabetic o kaya ung dina-dialysis na.  Wow, ang sakit isipin kung sa atin mangyayari.  Meron nga na at the age of 10 ay na-atake na at sa kasalukuyan ay under theraphy pa at mahina ang kaliwang bahagi ng katawan.  Lahat siguro tayo ay witness sa ganitong scenario sa pinas.  Sabi nga ay napakaikli ng buhay pero napakahaba para mamatay.

Maiiwasan ba ang ganitong pangyayari?

Ang sumisira ng ating kalusugan ay hindi dahil sa mga germs at viruses.  Ang pagbagsak ng ating kalusugan ay dahilan sa pagkasira ng ating cells.  Ayon sa mga siyentipiko nakukuha natin ang sumisira sa ating cells  sa hangin, sa tubig at sa ating mga kinakain.  Ayon sa World Health Organization mahigit 24 million people ang namamatay taon-taon sa chronic conditions.   Hindi na maiiwasan ito pero pwede itong i-neutralize.  Halimbawa ang isang tao ay mabubuhay up to 70 years old, ang masakit niyan ay 50 years old pa lang ay may maintenance ng gamot at napakaraming pagkain ang bawal.  Ang mga diabetic ay bawal  kumain ng masarap at kung hindi ay patay ka.

 Paano ba nasisira and cells ng ating katawan?

 Ang may kagagawan nito ay ang mga free radicals.  Ano ba ang free radicals?  Ito yung mga molecules na walang kasamang electrons..  Ito yung umaagaw ng electrons ng ating mga healthy cells at ginagawa din itong free radicals na siyang nagiging sanhi ng ating mabilis na pagtanda ng skin at mga kung ano pang karamdaman sa loob ng ating katawan tulad ng cancer, sakit sa atay, sakit sa lungs, colon cancer at marami pang iba.

Maiiwasan ba natin itong mangyari sa ating katawan?

Pwede natin itong maiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng mga Healthy diets.  Ang gulay at mga prutas ay nagbibigay ng maraming anti-oxidants.  Ang pagkain ng ibat-ibang uri ay nagbibigay sa atin ng mga nutrients na siyang tumutulong upang muling mabuo ang mga nasirang cells.  Napakahirap naman ang mag maintain ng healthy diets kasi ay napakamahal at napakaraming pagkain ang kailangan nating ubusin sa maghapon upang makakuha ng enough nutrients na kailangan ng ating katawan.  Naniniwala ang mga researchers na kailangan natin ng supplementary food upang tulungan ang ating katawan upang labanan ang mga free radicals.

Ano ang kailangan gawin upang masabi tayo ay malusog. 

Tayo ang in-charge ng ating katawan kaya tayo rin ang may kakayahan kung ano ang gusto nating mangyari sa ating katawan.  Tayo ang pipili kung ano ang gusto nating gawin at kung ano ang gusto nating kainin.  Napakaraming mga klase ng gamot at mga vitamins ang lumalabas ngayon sa market.  Bukod pa riyan, meron pang ibat-ibang uri ng exercise, meron ding yoga na pwedeng makatulong sa ating kalusugan.

Pag kaharap na natin ang realidad sa ating kapaligiran ay hindi maikakaila na ang ating kinakain, tubig na iniinom at ang hangin ay lubha ng marumi at ang lahat ng ito ay threat sa ating body cells.  Ang buo nating katawan ay compose ng cells at sabay-sabay silang kumikilos upang tayo ay mabuhay at gumalaw.

Meron tayong tinatawag na RDAs (Recommended Dietary Allowances) at kung hindi natin maibibigay ito sa ating katawan ay maaring maging sanhi ng unti-unti nating pagkakasakit. Ang anumang sobra ay masama at kung kulang naman ay ineffective naman.  Para makakuha ng tamang amount ng Vit C ay kelangan mong kumain ng 18.5 na piraso ng orange at sa Vit D ay kelangan ng 44 pcs ng itlog at sa 85 pcs na saging.  Wow naman, kaya bang kainin yun araw-araw.  Ang mahal yata ng orange, ng saging, ng itlog, ng manok, isda, gatas, spinach at marami pang iba.

Kumakain naman ako ng prutas at gulay.

Madaling sabihin yan pero mahirap gawin.  Sa takbo ng buhay ngayon na sobrang busy ang bawat head ng pamilya, mahirap sabihin kung nabibigyan mo ang sarili mo at ang buong pamilya ng tamang pagkain.  Sa pagluluto, nagamit ka ba ng vetsin sa iyong mga lutong ulam, at ibat-iba pang mga additives?  kumakain ka ba ng mga instant food?  Umiinom ka ba ng soft drinks? mga prutas na galing pang abroad?  Pag nasa kalye ka, di ba nilalanghap mo ang maduming hangin?  Ang lahat ng ito ay source ng free radicals.  Ok lang naman eh, wala ka namang nararamdamang sakit, pero in the long run, pag idad mo ng sixty, mae-enjoy mo ba ang iyong retirement?  baka hindi ka na makapamasyal at masakit ang iyong rayuma, bawal na sa iyo ang masasarap na pagkain kasi diabetic ka na o kaya naman ay baka may colon cancer ka na, leukemia,k sakit sa atay, may hika, o sira na ang iyong gall bladder at kailangan pa ng dialysis para linisin ang iyong dugo.  Hindi naman ang ibig sabihin ng "OLD AGE" ay "SAKIT".

Ano ang Mabuti Kong Gawin?

May mga food supplement naman na pwedeng ibigay sa inyo ang mga nutrients na kailangan ng ating body. Ipinapakilala ko sa inyo ang  USANA, sa  halagang mahigit 20 pesos lang sa bawat araw.  Ikumpara mo ang halagang ito sa halaga ng mga pagkain na para makakuha ka ng tamang nutrients at sa halaga ng hosp bills.  Dito sa amin ay pag dumaan ka ng Emergency automatic yan na no less than 7k sa unang araw mo.  Para makatipid ka ay dapat ay may health card ka.


I suggest na i-click ninyo ito para lalo nyo pang maintidihan.  http://www.youtube.com/usanahealthsciences. 
o kaya ay ang link na ito:http://www.usana.com/http://www.usana.com/

Sa part 2 ng blog na ito ay i-introduce ko naman sa inyo ang producto ng USANA na pwedeng makatulong sa inyo at ganun din kung paano naman kayo pwedeng gumamit ng USANA products ng halos ay libre na kasi pwede ninyo itong pagkakitaan.