Miyerkules, Oktubre 22, 2014

Saging

Saging: Ang Pinakamasustansyang Prutas sa Buong Mundo
May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali na po iyan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day will keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagpapatunay na ang saging ay napakabuti sa katawan.
Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.
Marami ang benepisyo ng saging:
1. Para sa tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Para sa puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
3. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like
20
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain
Piolo Pascual. Tipid pa!
4. Mabuti sa colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit sa bituka natin.
5. Para sa nag-e-ehersisyo – Sa mga mahilig mag-ehersisyo, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa iyong bag.
6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin. Kaya kung nalulungkot ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha. Kumain ng saging.
7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Mahirap kainin, hindi ba? Pero ang saging ay napakadali ibaon. Talagang ginawa ng Diyos ang saging para kainin.
8. Posibleng makabawas sa leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.
Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka ng saging para lumakas at lumusog.
Kumain ng Malunggay
Alam ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa pagkain ng malunggay, marami din ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay. Alamin natin ang galing ng malunggay.
Madaming Bitamina
Ang dahon ng malunggay ay sagana sa calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay ane21
Kumain ng Malunggay
mic o kulang sa dugo, may iron ang malunggay na nagpapadami ng ating dugo.
Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang A at C ay tinatawag na anti-oxidants. Ito ang lumalaban sa stress at nagpapabagal sa ating pag-edad.
Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang mga bata na kumain nito.
Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.
At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno.
Mga benepisyo ng malunggay:
1. Pampalakas ng katawan - Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.
2. Pampadami ng gatas ng ina - Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.
3. Para sa constipated - Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pag-ayos ng iyong pagdumi.
4. Itapal sa sugat - Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na dahong malunggay sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.
Marami pang galing ang itinatago ng malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran.
Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga
Maraming doktor ang nagulat sa galing na ipinakita ng pakwan. Sino ang mag-aakala na pagkatapos ng maraming dekada, ngayon lang nadiskubre ang mga
22
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain
sikreto ng pakwan? Alamin natin ang bisa nito:
1. Maigi sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso.
2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat, nakapagpapababa din ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesium ng pakwan ay may tulong din sa blood pressure. At kapag mas maraming pakwan ang iyong kakainin, mas mabuti pa ito sa katawan.
3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, posibleng may tulong ang pakwan sa pagpapagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Viagra ang epekto ng pakwan. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.
4. Tulong sa pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser. Bukod sa pakwan, ang kamatis ay mayaman din sa lycopene.
5. Mabuti sa mata – Ang pakwan ay mayroong vitamin C at vitamin A na kailangan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw na pakwan naman ay makatutulong sa pag-iwas sa katarata sa mata (macular degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan.
6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. May nagsasabi na mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer. Kung ika’y sinisikmura o may ulcer, umiwas sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito.
7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath.
8. Makatutulong sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipat23
Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga
ed), kumain ng maraming pakwan.
9. Mainam sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo sa pantog. At kung ika’y may bato sa bato (kidney stones), makatutulong din ang pakwan sa iyo.
10. May tulong sa gout at mataas na uric acid – Ang katas ng pakwan ay makapagpapababa ng uric acid sa ating katawan. Sa mga may arthritis dahil sa uric acid (gout), kumain ng pakwan. Paalala: Huwag kainin ang buto ng pakwan.
11. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ito ng lakas sa katawan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla sa atin.
12. Para makaiwas sa heat stroke – Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.
13. Para sa sakit ng ulo – Sa South Africa, tinatapal ang balat ng pakwan sa ulo at bandang sentido para matanggal ang sakit ng ulo.
14. First-aid sa bungang araw – Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin sa refrigerator. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Magiginhawahan kayo at mababawasan ang rashes.
15. First-aid sa sunburn at pagkapaso - Kapag napaso ang iyong balat, maganda itong lagyan ng yelo. Puwede din lagyan ng laman ng pakwan ang parteng napaso.
16. Bilang pampaputi – Alam niyo ba na may glutathione din ang pakwan? Oo, ang glutathione ng pakwan ay mas marami pa kaysa sa ibang mga prutas at gulay. Ang glutathione ay maaaring makaputi ng balat at nagpapalakas pa ito ng ating immune system.
Napakahaba ang listahan ng benepisyo ng pakwan. Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Kain na!
24
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

post your message