Paano Iiwas sa Pagkaing Nakalalason
Nakakaawa po ang ibang balita sa diyaryo, “27 bata nalason sa pagkain.” Dahil dito, naghanda ako ng mga epektibong tips para maka-iwas sa pagkalason.
1. Piliin ang mainit na pagkain. Mas safe ang mga bagong lutong pagkain tulad ng kumukulong sabaw. Mainam din ang hot tea bilang inumin.
2. Piliin ang tuyo na pagkain. Mabilis masira ang mga ulam na may sarsa, lalo na yung may gata. Para ligtas, kumain na lang ng pritong karne o inihaw na isda.
3. Amuyin, tingnan at tikman muna ang pagkain. Kung amoy panis ang pagkain, huwag isubo. Kung lasang ipis, iluwa ito. Kung may itim-itim na mukhang dumi ng ipis, ipaalam sa waiter.
4. Limitahan ang pagkaing may gatas. Madaling mapanis ang cheese whiz, cheese pimiento, buko salad at mga may mayonesa. Kung hindi mapigilan ang sarili, konti lang ang kainin para kung may mikrobiyo man, ay malalabanan mo pa rin.
5. Huwag kumain ng hilaw. May mga nagpapa-sosyal sa half-cooked na laman, yung may dugo pa. Mag-ingat at maraming bulate ang puwedeng mamuhay sa karne tulad ng mga beef and pork tapeworms. Lutuin maigi bago kainin.
6. Piliin lang ang kakainin. Alam ko kapag handaan, gusto natin tikman lahat ng pagkain. Kaya lang, kung may panis na isang putahe ay siguradong damay ka sa pagtatae. Para ligtas, pumili lang ng iilang klase ng pagkain.
7. Malinis na tubig ang inumin. Huwag magbakasakali sa tubig sa gripo. Hindi po ito malinis at posibleng magdulot ng typhoid, amebiasis at cholera. Delikado po ito at kapag napuruhan kayo, puwedeng makamatay.
8. Mag-ingat sa mga tinda sa kalye. Alam kong masarap ang fish ball, queck-queck at Pinoy sorbetes. Kaya lang alam mo ba kung kani-kaninong laway na ang nakasawsaw sa sarsa ng fishball? At malinis ba ang sangkap ng pagkain?
Kaya mabuti pa na kumain na lang sa bahay. Maghugas tayo ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gumamit ng sabon at kuskusin maigi ang mga kamay at kuko ng isang minuto. Turuan din ang ating mga anak ng kalinisan. Hugas kamay lang, iwas sakit na!
Malungkot ka ba? May Pagkaing Pampasaya!
Totoo po, kaibigan. May mga pagkaing nagpapasaya sa atin. Ang tawag ng mga eksperto dito ay “mood-lifting foods.” Kaya kapag kayo’y nalulungkot sa buhay, subukan itong mga pagkain:
1. Kanin, wheat bread at spaghetti – Ang mga carbohydrates tulad ng kanin, pansit at spaghetti ay nagpapasaya sa atin. Ang carbohydrates ay nagpapataas ng ating serotonin levels, na nagpapakalma ng ating emosyon. Hindi ba parang kalmado ka kapag nakakain ka ng isang platong mainit na kanin?
Mas mainam na piliin yung mga good carbohydrates tulad ng wheat bread, brown rice at mga gulay din. Huwag maniwala sa high-protein diet tulad ng Atkin’s at Southbeach diet dahil ito’y magpapalungkot lang sa inyo. Kaibigan, ingatan lang ang dami ng ating kinakain para hindi tumaba.
2. Gatas –Ang gatas ay may mga bitamina at amino acids para gumanda ang ating pananaw. Dahil sa gatas, tataas ang serotonin sa ating katawan. Ang serotonin ay parang anti-depressant tulad ng Prozac. At para hindi tumaba, uminom ng skim milk na mababa sa calories. Masustansya na, pampasaya pa!
3. Matatabang isda tulad ng mackerel, tuna at sardines – Ang mga matatabang isda (oily fish) tulad ng mga nabanggit ay mataas sa Omega-3 fish oil. Ang Omega 3 ay mabuti sa ating puso, pampababa pa ng kolesterol at makatutulong din na pasayahin tayo. Pinapataas ng Omega 3 ang serotonin levels ng ating utak. At kapag maraming serotonin, mas masaya tayo. May tulong din ang Omega 3 supplements para sa ating kalusugan.
4. Tsokolate – Naku, nakakataba yata iyan? Oo nga, aaminin kong nakakataba ang tsokolate pero marami naman itong kemikal na nagpapasaya sa atin. Sabi ng mga experto, ang pagkain ng tsokolate ay nagpapadami ng endorphins sa ating katawan. Ang endorphins ay mga natural na hormones na nagpapasaya sa atin.
5. Kahit anong pagkaing masarap – Basta masarap ang kinakain, hindi ba sumasaya ka na? Kaya lang, karamihan ng masarap na pagkain ay nakakataba at baka tumaas pa ang ating kolesterol. Para sa akin, masarap ang gulay tulad ng ampalaya at upo. Masaya ako diyan. Sa iba naman, masarap ang chicharon, lechon at taba ng baboy.
Ang payo ko ay hinay-hinay lang sa pagkain ng inyong mga paborito. Sanayin ang panlasa natin na kumain ng masarap na at masustansya pa. Ang gulay, prutas at isda ay sadyang mabuti sa inyong kalusugan. Piliin ang mga ito.
Kung sa tingin ninyo ay hindi nakumpleto ang mga bitamina na kailangan ng inyong katawan sa mga kinain ninyo sa maghapon, pwede kayong mag multi-vitamins tulad ng "Essentials" na product ng USANA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
post your message