Miyerkules, Oktubre 22, 2014

Saging

Saging: Ang Pinakamasustansyang Prutas sa Buong Mundo
May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali na po iyan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day will keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagpapatunay na ang saging ay napakabuti sa katawan.
Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.
Marami ang benepisyo ng saging:
1. Para sa tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
2. Para sa puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.
3. Parang Multivitamin - Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like
20
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain
Piolo Pascual. Tipid pa!
4. Mabuti sa colon - Dahil mataas sa fiber ang saging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit sa bituka natin.
5. Para sa nag-e-ehersisyo – Sa mga mahilig mag-ehersisyo, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa iyong bag.
6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba niyo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin. Kaya kung nalulungkot ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha. Kumain ng saging.
7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Mahirap kainin, hindi ba? Pero ang saging ay napakadali ibaon. Talagang ginawa ng Diyos ang saging para kainin.
8. Posibleng makabawas sa leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata ay lagi mong papakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.
Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka ng saging para lumakas at lumusog.
Kumain ng Malunggay
Alam ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa pagkain ng malunggay, marami din ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay. Alamin natin ang galing ng malunggay.
Madaming Bitamina
Ang dahon ng malunggay ay sagana sa calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay ane21
Kumain ng Malunggay
mic o kulang sa dugo, may iron ang malunggay na nagpapadami ng ating dugo.
Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang A at C ay tinatawag na anti-oxidants. Ito ang lumalaban sa stress at nagpapabagal sa ating pag-edad.
Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang mga bata na kumain nito.
Ang prutas ng malunggay ay masustansya din at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.
At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno.
Mga benepisyo ng malunggay:
1. Pampalakas ng katawan - Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.
2. Pampadami ng gatas ng ina - Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.
3. Para sa constipated - Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pag-ayos ng iyong pagdumi.
4. Itapal sa sugat - Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na dahong malunggay sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.
Marami pang galing ang itinatago ng malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran.
Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga
Maraming doktor ang nagulat sa galing na ipinakita ng pakwan. Sino ang mag-aakala na pagkatapos ng maraming dekada, ngayon lang nadiskubre ang mga
22
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain
sikreto ng pakwan? Alamin natin ang bisa nito:
1. Maigi sa puso at ugat – Ayon sa US Department of Agriculture, ang pakwan ay nagpapataas ng arginine (isang amino acid) sa ating katawan. Ang arginine ay ginagamit sa paggawa ng nitrous oxide, na nagpaparelaks ng ating mga ugat sa puso at utak. Dahil dito, makatutulong ang pakwan sa pag-iwas sa istrok at atake sa puso.
2. Nagpapababa ng presyon – Dahil pinapaluwag ng arginine ang ating ugat, nakapagpapababa din ito ng blood pressure. Ang potassium at magnesium ng pakwan ay may tulong din sa blood pressure. At kapag mas maraming pakwan ang iyong kakainin, mas mabuti pa ito sa katawan.
3. Pampalakas ng sex drive – Ayon sa mga eksperto, posibleng may tulong ang pakwan sa pagpapagana sa sex. Ito’y dahil sa arginine na nagpapabuka ng ugat sa ari ng lalaki. Dahil dito, para na ring Viagra ang epekto ng pakwan. Ngunit hindi lang nga kasing bisa ang pakwan kumpara sa mga gamot.
4. Tulong sa pag-iwas sa kanser – Ang pulang klase na pakwan ay napakasustansya dahil may taglay itong lycopene. Ang lycopene ay tinatayang panlaban sa kanser. Bukod sa pakwan, ang kamatis ay mayaman din sa lycopene.
5. Mabuti sa mata – Ang pakwan ay mayroong vitamin C at vitamin A na kailangan ng ating mata. Kung ang pulang pakwan ay panlaban sa kanser, ang dilaw na pakwan naman ay makatutulong sa pag-iwas sa katarata sa mata (macular degeneration). Ito’y dahil sa sangkap na lutein ng dilaw na pakwan.
6. May katas na alkaline water – Ang pakwan ay sadyang matubig at gawa sa 92% alkaline water. May nagsasabi na mabuti ang alkaline water sa ating sikmura at safe ito kahit sa may ulcer. Kung ika’y sinisikmura o may ulcer, umiwas sa katas ng orange at pinya dahil maasim at acidic ito.
7. Gamot sa singaw at bad breath – Ayon sa mga eksperto, may tulong ang pakwan sa paggamot ng singaw at pag-bawas sa bad breath.
8. Makatutulong sa sikmura at pagdumi – Dahil may fiber at tubig ang pakwan, napapabilis nito ang ating pagdumi. Kung ika’y laging tinitibi (constipat23
Pakwan: Ang Prutas na Mahiwaga
ed), kumain ng maraming pakwan.
9. Mainam sa kidneys at pantog – Katulad ng buko juice, nililinis ng pakwan ang ating kidneys at pantog. Kung ika’y may impeksyon sa ihi, kumain ng pakwan at uminom ng tubig para mabawasan ang mikrobyo sa pantog. At kung ika’y may bato sa bato (kidney stones), makatutulong din ang pakwan sa iyo.
10. May tulong sa gout at mataas na uric acid – Ang katas ng pakwan ay makapagpapababa ng uric acid sa ating katawan. Sa mga may arthritis dahil sa uric acid (gout), kumain ng pakwan. Paalala: Huwag kainin ang buto ng pakwan.
11. Mabisang energy drink – Ang pakwan ay sagana sa vitamin B, potassium at iron. Dahil dito, nagbibigay ito ng lakas sa katawan. May natural na asukal din ang pakwan na nagpapasigla sa atin.
12. Para makaiwas sa heat stroke – Kapag napakainit ang panahon, puwede tayong mahilo at manghina. Ang pakwan ay nagbibigay ng masustansyang katas na nagpapalamig sa ating katawan.
13. Para sa sakit ng ulo – Sa South Africa, tinatapal ang balat ng pakwan sa ulo at bandang sentido para matanggal ang sakit ng ulo.
14. First-aid sa bungang araw – Kumuha ng balat ng pakwan at palamigin sa refrigerator. Ipahid ang loob ng pakwan (pulp area) sa parte na may bungang araw. Magiginhawahan kayo at mababawasan ang rashes.
15. First-aid sa sunburn at pagkapaso - Kapag napaso ang iyong balat, maganda itong lagyan ng yelo. Puwede din lagyan ng laman ng pakwan ang parteng napaso.
16. Bilang pampaputi – Alam niyo ba na may glutathione din ang pakwan? Oo, ang glutathione ng pakwan ay mas marami pa kaysa sa ibang mga prutas at gulay. Ang glutathione ay maaaring makaputi ng balat at nagpapalakas pa ito ng ating immune system.
Napakahaba ang listahan ng benepisyo ng pakwan. Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Kain na!
24
Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Martes, Enero 14, 2014

Paano Iwasan ang pagkaing nakakalason.

Paano Iiwas sa Pagkaing Nakalalason

Nakakaawa po ang ibang balita sa diyaryo, “27 bata nalason sa pagkain.” Dahil dito, naghanda ako ng mga epektibong tips para maka-iwas sa pagkalason.

1. Piliin ang mainit na pagkain. Mas safe ang mga bagong lutong pagkain tulad ng kumukulong sabaw. Mainam din ang hot tea bilang inumin.

2. Piliin ang tuyo na pagkain. Mabilis masira ang mga ulam na may sarsa, lalo na yung may gata. Para ligtas, kumain na lang ng pritong karne o inihaw na isda.

3. Amuyin, tingnan at tikman muna ang pagkain. Kung amoy panis ang pagkain, huwag isubo. Kung lasang ipis, iluwa ito. Kung may itim-itim na mukhang dumi ng ipis, ipaalam sa waiter.

4. Limitahan ang pagkaing may gatas. Madaling mapanis ang cheese whiz, cheese pimiento, buko salad at mga may mayonesa. Kung hindi mapigilan ang sarili, konti lang ang kainin para kung may mikrobiyo man, ay malalabanan mo pa rin.

5. Huwag kumain ng hilaw. May mga nagpapa-sosyal sa half-cooked na laman, yung may dugo pa. Mag-ingat at maraming bulate ang puwedeng mamuhay sa karne tulad ng mga beef and pork tapeworms. Lutuin maigi bago kainin.

6. Piliin lang ang kakainin. Alam ko kapag handaan, gusto natin tikman lahat ng pagkain. Kaya lang, kung may panis na isang putahe ay siguradong damay ka sa pagtatae. Para ligtas, pumili lang ng iilang klase ng pagkain.

7. Malinis na tubig ang inumin. Huwag magbakasakali sa tubig sa gripo. Hindi po ito malinis at posibleng magdulot ng typhoid, amebiasis at cholera. Delikado po ito at kapag napuruhan kayo, puwedeng makamatay.

8. Mag-ingat sa mga tinda sa kalye. Alam kong masarap ang fish ball, queck-queck at Pinoy sorbetes. Kaya lang alam mo ba kung kani-kaninong laway na ang nakasawsaw sa sarsa ng fishball? At malinis ba ang sangkap ng pagkain?

Kaya mabuti pa na kumain na lang sa bahay. Maghugas tayo ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gumamit ng sabon at kuskusin maigi ang mga kamay at kuko ng isang minuto. Turuan din ang ating mga anak ng kalinisan. Hugas kamay lang, iwas sakit na!

Malungkot ka ba? May Pagkaing Pampasaya!

Totoo po, kaibigan. May mga pagkaing nagpapasaya sa atin. Ang tawag ng mga eksperto dito ay “mood-lifting foods.” Kaya kapag kayo’y nalulungkot sa buhay, subukan itong mga pagkain:
1. Kanin, wheat bread at spaghetti – Ang mga carbohydrates tulad ng kanin, pansit at spaghetti ay nagpapasaya sa atin. Ang carbohydrates ay nagpapataas ng ating serotonin levels, na nagpapakalma ng ating emosyon. Hindi ba parang kalmado ka kapag nakakain ka ng isang platong mainit na kanin?
Mas mainam na piliin yung mga good carbohydrates tulad ng wheat bread, brown rice at mga gulay din. Huwag maniwala sa high-protein diet tulad ng Atkin’s at Southbeach diet dahil ito’y magpapalungkot lang sa inyo. Kaibigan, ingatan lang ang dami ng ating kinakain para hindi tumaba.

2. Gatas –Ang gatas ay may mga bitamina at amino acids para gumanda ang ating pananaw. Dahil sa gatas, tataas ang serotonin sa ating katawan. Ang serotonin ay parang anti-depressant tulad ng Prozac. At para hindi tumaba, uminom ng skim milk na mababa sa calories. Masustansya na, pampasaya pa!

3. Matatabang isda tulad ng mackerel, tuna at sardines – Ang mga matatabang isda (oily fish) tulad ng mga nabanggit ay mataas sa Omega-3 fish oil. Ang Omega 3 ay mabuti sa ating puso, pampababa pa ng kolesterol at makatutulong din na pasayahin tayo. Pinapataas ng Omega 3 ang serotonin levels ng ating utak. At kapag maraming serotonin, mas masaya tayo. May tulong din ang Omega 3 supplements para sa ating kalusugan.

4. Tsokolate – Naku, nakakataba yata iyan? Oo nga, aaminin kong nakakataba ang tsokolate pero marami naman itong kemikal na nagpapasaya sa atin. Sabi ng mga experto, ang pagkain ng tsokolate ay nagpapadami ng endorphins sa ating katawan. Ang endorphins ay mga natural na hormones na nagpapasaya sa atin.

5. Kahit anong pagkaing masarap – Basta masarap ang kinakain, hindi ba sumasaya ka na? Kaya lang, karamihan ng masarap na pagkain ay nakakataba at baka tumaas pa ang ating kolesterol. Para sa akin, masarap ang gulay tulad ng ampalaya at upo. Masaya ako diyan. Sa iba naman, masarap ang chicharon, lechon at taba ng baboy.

Ang payo ko ay hinay-hinay lang sa pagkain ng inyong mga paborito. Sanayin ang panlasa natin na kumain ng masarap na at masustansya pa. Ang gulay, prutas at isda ay sadyang mabuti sa inyong kalusugan. Piliin ang mga ito.

Kung sa tingin ninyo ay hindi nakumpleto ang mga bitamina na kailangan ng inyong katawan sa mga kinain ninyo sa maghapon, pwede kayong mag multi-vitamins tulad ng "Essentials" na product ng USANA



Biyernes, Enero 3, 2014

SA GUSTONG MAGPAPAYAT

Magpapayat Tips (Part 1)

Ayon sa isang local survey, 40% ng mga kababaihan ay overweight o sobra sa timbang. Samantala, 15% lang ng kalalakihan ang matataba. Bakit kaya?  Ito’y dahil ang mga nanay ay kinakain ang tira ng mga anak. At laging nasa bahay ang mga babae kaya hindi gaanong nag-e-ehersisyo.
Paano malalaman kung mataba ka o hindi? Isang simpleng paraan ay ang pagsukat ng tiyan. Ayon sa isang pagsusuri sa Asia, ang dapat na sukat ng tiyan (sa pusod ang sukat at hindi sa baywang) ay 36 inches o mas mababa pa sa lalaki, at 31 inches sa babae. Kapag lumampas ka dito, ay medyo masama na ito. Kailangan nang magpapayat dahil baka magdulot ito ng diabetes, arthritis at sakit sa puso.
Sundin ang mga tips para pumayat:

• Magbawas ng 100-200 calories bawat araw. Magagawa mo ito kapag iiwas ka sa soft drinks o iced tea. Magtubig ka na lang. Zero calories ang tubig. Puwede mo din bawasan ang iyong panghimagas. Gawin mo ito at siguradong papayat ka.

• Maging magalaw o malikot. Habang ika’y naglalakad, igalaw mo ang iyong mga braso. Habang may ka-text, i-martsa mo ang iyong mga paa. Sa ganitong paraan, makababawas ka ng 200 calories bawat araw.

• Gumamit ng maliit na plato, iyung 9 inches lang ang sukat. Kapag maliit ang plato, mako-kondisyon ang iyong isipan na konti lang ang kakainin. Isa pa, wala nang pa-dukot-dukot pa. Kung ano ang nasa plato mo, iyun lang ang kakainin.

• Uminom ng 1 basong tubig bago kumain. Dahil nakabubusog din ang tubig at mas konti lang           ang   makakain mo.

• Piliin ang masasabaw na pagkain. Mas mabubusog ka sa mga matubig na pagkain. Umorder ng arroz caldo, huwag chicken and rice. Kumain ng pakwan, huwag ang mangga. Ang sopas at ensalada ay magaan din sa tiyan.

• Magbawas ng kanin. Kung dati ay 2 tasa ka magkanin, gawin na lang 1 tasa. Kung 1 cup rice dati, gawin mo na lang half-cup rice. Nakatataba kasi ang kanin. Mas maigi pa ang spaghetti o noodles. Sa susunod, magbibigay pa ako ng maraming tips para tuluyan na kayong pumayat.

Magpapayat Tips (Part 2)

Sundin natin ang mga dagdag payong ito para pumayat:

• Kumain ng madalas pero pakonti-konti. Huwag kakalimutan ang agahan. Ang sikreto dito ay konti lang ang iyong kakainin. Sa meryenda, puwedeng 1 saging o mansanas lang. Sa tanghalian at hapunan, puwedeng 1 cup rice, gulay at isang ulam lang. Huwag hintayin ang gutom bago kumain.

• Masama ang “Crash Diet” o iyung gustong biglang ginugutom ang sarili. Kaya mo itong gawin ng 3 araw, pero pagkatapos ay babawi na ang iyong katawan. Babalik din ang dati mong timbang. Ayon sa pagsusuri, ang crash diet ay nagpapaigsi ng buhay ng 5 years. Magbawas lang ng 1-2 pounds bawat linggo.

• Kumain ng mga gulay at prutas na maraming fiber tulad ng pechay, kangkong, okra, sitaw, ampalaya, carrots, mansanas, peras at saging. Mabilis makabusog ang mga pagkaing mataas sa fiber. Hindi pa ito nakatataba.

• Dalawa lang ang bawal: Matatamis at matataba. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng icing ng cake, halo-halo at mga juice na nasa lata. Magbawas din sa mga baboy at baka na maraming taba. Ito lang talaga ang bawal.

• Umiwas sa junk foods. Huwag mag-stock ng sitsirya sa bahay. Turuanang mga bata na kumain ng saging o mansanas kapag nagugutom. Mataas sa asin at walang sustansya ang chichirya.

• Sa fast-foods, subukan ang Kenny Roger’s Roast Chicken, Bodhi Vegetarian Food, at Subway Sandwiches. Ang roasted chicken ng Kenny Roger’s ay natanggalan na ng mantika. Paborito ko iyan. Healthy din ang vegemeat at gulay sa Bodhi. Nakakabusog at mababa sa calories.

• Uminom ng Multivitamin kapag nagdi-diyeta. Kalahating tableta lang ng multivitamin ay puwede na. Kapag walang pera, kumain ka ng 2 saging bawat araw. Maraming vitamins na iyan.

• Bumili ng timbangan. Mura lang ang timbangan, mga P300 lang. Alamin ang timbang bawat 2 araw. Kapag tumataas ang iyong timbang, piliting mag-diyeta na. Kapag bumababa na ang timbang, ituloy lang ang ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. Kailangan mo ng lakas ng loob para pumayat.

Ang payo ko ay Usana - Essentials ang gamiting multi vitamins at nasa mahigit lang 20 pesos ang isang inuman nito.  2 tablet na ito.

Good luck.